Chapter 21: Operation Study Hard Part 2

1.6K 14 2
                                    

Maagang dumating mula sa munisipyo si Mayor. Dinatnan nya si Manang Rosa na abala sa pagluluto ng tanghalian.

_Sa sala ng mansion_

"Magandang tanghali ho mayor. Mahaga hata kayong nauwi ngayon."

"Oo maaga ko kasing natapos yung mga trabaho. Eh gusto ko munang magpahinga at sumisikip ang dibdib ko eh. Kamusta na yung alaga mo."

"Hayun naghaharal hong mabuti. Tinuturuan sya ni hofficer Randel."

"Haay. Goodluck na lang sa kanila."

"Ah eh. Mayor. Pwede ho bang magtanong?"

"Ano yun?"

"Ah eh. HAlam ko ho indi dapat ako nangengelam pero seryoso ho ba kayo na gusto nyong ipadala hang alaga ko sa hibang bansa?"

"Hay. Sa totoo lang. Hindi. Ayoko din namang malayo sya dito. Mas lalo ko syang hindi mababantayan kapag nalayo sya sakin."

"Pero bakit po nyo nasabi yun?"

"I have no choice. At isa pa gusto ko silang subukan. Silang dalawa. Gusto kong subukan ang galing ni Randel sa pagpapatino at gusto ko ring subukan si Kisha kung magagawa nyang tumino."

"Pero kelangan nyo pa po ba talagang sabihin yun?"

"As I said I have no choice. Kaylangan yun para mamotivate si Kisha na magbago. Wala na kong naiisip na ibang paraan. Kelangan na talagang sumugal."

"Pero pano po kung hindi nga talaga sya makapasa? Papadala nyo pa rin ba sya sa ibang bansa?"

"I am the man of my words. Wala na kong magagawa. Umasa na lang tayo na may himalang mangyayari."

******************

Ayan! Bagay pala sayo maging pusa eh.hahaha. Teka lang? Ano yung hawak hawak nya? Ahh yung cp ko.

Kinuha ni Kisha ang kanyang cellphone mula sa kamay ni Randel at nagulantang sa nakita.

0MG! Hayup! I forgot. Nandito nga pala yung mga baby pictures ko. T_T

Teka lang? Ahhhhh! Kaya pala! Kaya pala tawa ng tawa tong bwiset na toh habang nag-aaral ako. Asar ka ha!! Nakakahiya. >_<

Biglang nanlisik ang mga mata ni Kisha habang nakatitig kay Randel.

Sumusobra na tong lalaking toh. Naku! Kung hindi lang kita kailangan. Kainis! Hay. Ok. I need to study na. Kailangan na kitang gisingin. Oops. Wait a minute! Ahhh tama! Hahaha!

Biglang tinulak ni Kisha ang nakahigang si Randel. Ayun! Plakda sa lapag.

"AraaAaY???  Te.. .te... Teka?? Asan ba ko??"

Natanaw nya agad ang nakangiting si Kisha. Saka lang natauhan ang binata.

"Hoy babae! Sadista ka talaga! Bakit mo ko tinulak ah."

"Eh ginigising kasi kita!"

"Wow! Ayos ka rin manggising ha! Pwede mo naman akong gisingin ng maayos hindi ba?"

"Ah eh. Ano kasi. Ahh. Kanina pa kaya kita ginigising. Kaso hindi ka magising. Ang himbing himbing ng tulog mo. Eh napikon na ko kaya tinulak na kita. Siguro naman acceptable yun diba?" ^_^

"Hay! Oo na! Katanggap tanggap na! Hanggang nagtatrabaho ako dito dapat nga pala masanay ako sa pagkapikon at sadista mo!"

"Good! Teka lang? Did you say hanggang? Akala ko ba forever ka ng magtatrabaho sakin? Hindi ba may usapan tayo? May balak ka pa rin palang umalis. Liar!"

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now