Chapter 28: The Promise

1.4K 10 1
                                    

"Hey. Gising! Randel!"

"Hmm? Ba-kit? A-ga-a-ga pa eh."

"Kelangan talaga maaga para abutan natin yun."

"Ano ba yun? Sana sinabi mo kagabi na maaga pala tayo aalis."

"Ah basta. Dali na wag nang marami pang tanong. Bangon na." sabay hatak ni kisha sa kamay ni Randel at pilit itong inaangat. Tumayo naman agad ito pero halatang bangag pa.

"Oo na sandali lang maghihilamos lang ako."

"Ok. Sa labas nalang kita hintayin ah."

"Geh!"

******************

Pagkatapos maghilamos ay agad na tumungo si Randel sa labas at natulala sa nakita.

Si kisha may dalang basket, at sa tabi nya, ang bike na tila handa nang gumala.

"Te. . .teka? Magbabike tayo?"

"Yup!" ^_^

"Di na uy. Di mo na ko maloloko noh. Bulok na style na yan. Ginising gising mo ko ng maaga para lang pagtripan. Neknek mo."

"Ay nako. Gusto ko lang naman gumanti dahil dinala mo ko sa isang magandang lugar kaya gusto rin sana kita dalin sa isang magandang lugar. Hinanda ko pa lahat ng kelangan bago matulog. Haaay. Sige. Thanks na lang." sabay sad face at pout ng prinsesa.

Tila nakunsensya si Randel nang makitang malungkot ang prinsesa.

"Ah eh. Totoo ba yan?"

Tumango lang ang prinsesa.

"Hay. Sige pero sa isang kundisyon."

"Talaga? Sure! Ano yun?"

"Bawal kang gumamit ng bike. Ako lang pwede! Angkas ka lang lagi!"

"Yun lang pala. Oo na. Saksak mo sa baga mo yung bike. Let's go na baka di natin abutan yun eh." sabay escort ni Kisha kay Randel patungo sa bike at umangkas agad sya..

"Teka. Ang dilim pa pala baka di natin makita yung daan di uso street lights dito."

"Haha! Girlscout yata toh. Charan! Flashlight!" ^_^

"Wow eveready ka sa gala na toh ha. Ok tara. Teka, San ba?"

"Basta follow my instructions! Go!" ^_^

"Ok. Kapit ha!" ^_^

******************

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa paanan ng isang burol.

"Dun tayo sa tuktok! Ayun oh. Dun sa may malaking puno."

"Ha? Hindi ko na kayang i-bike yan nuh. Masyadong matarik."

"Hmf. Ok. Lakarin nalang natin paakyat. Wala pa naman eh pwede pa."

"Ano ba kasi yun?"

"Hirap sayo di ka marunong mag-antay eh. Relax lang. Mamaya makikita mo rin. Tara na."

Madilim dilim pa din ng marating nila ang tuktok. Agad naupo ang dalawa sa ilalim ng malaking puno.

Pagkaupo ay binuksan agad ni Kisha ang dalang basket, inilabas ang isang tupperware na may lamang tinapay at iniabot kay Randel.

"Eto oh. Nagready ako ng breakfast natin. Kaso sandwitch lang. Kaen nalang ulit tayo pagbalik kela Mang Ben."

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now