Chapter 29: 18th Day of May

2.3K 46 43
                                    

Kanina pa naghihintay si Randel sa may park. Habang nag-aantay ay nililibang ang sarili sa pagbalik-tanaw sa mga larawan nila ni kisha sa cellphone ng kanilang bakasyon.

"Haha. Hindi nya alam na kinuhanan ko sya dito habang nagdodrawing sya. Eto naman yung sa lawa, kisha's paradise daw.haha."

Napatigil at natahimik si Randel ng makita ang kasunod na larawan.

Kinuhanan ko nga pala sya habang natutulog. Sa sobrang pagod sa paghuhugas ng pinagkainan, sobrang himbing ng pagkakatulog nya dito. Pero kakaiba talaga. Para syang anghel kung matulog. Hay. Ah tama. Pano nga ba yun. Hmf? Hanap hanap. Ah ayun. Set as wallpaper. ^_^

"Randel!" isang boses ng babae ang narinig nya sa di kalayuan.

"Oh? Katrina. Nandyan ka na pala."

"Sorry kung natagalan ako ah."

"Ahehe. Ok lang. Teka, ang ganda ng gayak mo ngayon ah. Dalagang dalaga ka na talaga. Parang kelan lang-"

"Wag mo na ngang paalala yun. Nagbago na ko."

"Sabi ko nga diba. Eh ano ba yung gusto mong sabihin at nakipagkita ka pa."

"Akala mo siguro makakalimutan ko noh. Nakadatabase na sa memory ko ang date na May 18. Randel, Happy Birthday." ^_^

******************

_Sa kwarto ni Mayor_

"Mayor. HEto na po yung kape nyo." sambit ni Manang Rosa habang kumakatok sa pintuan.

"Tuloy."

Pagpasok ng manang ay ibinaba nya agad ang mainit na tasa ng kape sa lamesa.

"Ah, Manang, kamusta yung alaga mo."

"Naku Mayor. Nakakapanibago."

"Anong nakakapanibago? Bakit?"

"Hekasi kanina, pagkatapos kumain, haba! Sya pa nag-ugas ng kinahinan nya. Hinahawat ko pero sya na daw."

"Ha? Talaga? Anong sakit na naman kaya ang dumapo dyan sa alaga mo."

"Kasipagan?"

"Eh sana nga wag nang gumaling kung dinapuan ng kasipagan. Hay. Pagbaba mo paakyatin mo sya dito."

"Higi po mayor."

******************

Hindi mapakali ang prinsesa at panay ang tawag kay Randel habang nakahiga sa may sopa sa sala ng Mansion.

"Asar! Nakakailang tawag na ko hindi pa rin sumasagot. Ang hilig magsilent ng phone. Kainis. Matext na nga lang."

To: Randel Panget

Hoy. Kanina pa ko tawag ng tawag diba. Pag nabasa mo toh tawagan mo agad ako. Bye!

"Ayan. Hmf. Hindi marunong magpaalam pag aalis. Che!"

Maya maya ay natanaw nyang pababa si Manang Rosa ng hagdan at narinig nyang tinawag sya nito.

"Lady Kisha. Pinapaakyat kayo ng Dadi mo sa kwarto nya."

"Ha? Bakit na naman kaya?"

Nagkibit-balikat lamang ang Manang sabay sabi ng "HEWAN."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now