Chapter 6: The Knight in Shining Armor

2.1K 25 5
                                    

“Para sakin to?” hindi makapaniwala si Randel.

“Bakit ayaw mo ba? Mahal yan kaya ingatan mo!”

“Para mo namang sinabi na huwag kong isuot para hindi masira, binigyan mo pa ko?” pagrereklamo ni Randel.

“Simple lang. Ayoko kasi ng may katabi ako na mukang mabaho. At dahil bodyguard kita, palagi kang nakabuntot sa akin. Kaya bago pa may masabi ang ibang tao sa akin, ngayon palang baguhin mo na ang paraan mo ng pananamit.” pamimintas ng prinsesa.

“Binigyan mo ako nito dahil muka akong mabaho????” galit na tanong ni Randel.

“Oo muka kang mabaho. Bkit? Angal ka? Hindi ko alam kung hanggang kelan kita magiging bodyguard pero huwag mo naman sana kong bigyan ng kahihiyan. Madami pa namang mata ang nakatingin sa akin."

Hindi na kinaya ni Randel ang pangmamata ni Kisha.

“SALAMAT HA!” dali dali itong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.

Naiwan ang dalaga na tuwang tuwa habang inaalala ang mga pang aasar at pagpapahirap niya kay Randel sa buong araw.

Pagdating sa kusina, naghanap agad ng makakain ang binata. Halatang gutom na gutom. Dala na rin ng gutom kaya halos mabulunan na si Randel sa pagsubo.

Sakto namang papunta ng kusina si Manang Rosa ngunit ng marinig niya ang binata na nagsasalita mag-isa ay huminto ito at patagong nakinig.

“Lintik na babaeng yun. Makikita mo! May araw ka rin!” sabi ni Randel sa sarili.

Nagulat ang manang sa narinig.Muli niyang sinilip si Randel.


Parang patay-gutom hang taong hito. HAt nagbabanta pa. Parang indi mapagkakatiwalaan. Indi pwedeng pahubaya ko na lang basta hang malagu kong prinsesa sa kanya. 

Pagkatapos kumain ay diretso agad si Randel sa kwarto nila ni Mang Ben. Naabutan niya si Mang Ben na palakad lakad sa kwarto at halatang kanina pa siya hinihintay.

Pagpasok ay humiga agad si Randel sa kama.

“Haaay. Kapagod.”

Nilapitan naman agad siya ni Mang Ben.

“Oh iho, wala namang nangyaring hindi maganda? Wala namang naging problema hindi ba?" pag-aalala ni Mang Ben.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon