Chapter 13: You Are the Rain, I am Your Shield

1.8K 24 5
                                    

Papasok na sana sa loob ng Mansion si Randel ng bigla syang pinigilan ni Kisha. .

"Wait lang. . ."

Sabay hatak kay Randel sa may halamanan kung saan walang makakakita sa kanila.

"Teka nga. Bakit ba ha? May nakalimutan ka bang sabihin Lady Kisha?" ^_^

"huwag mo naman akong sumbong oh. Sige na."

"Bakit? Natatakot ka? Akala ko ba hindi ka natatakot?"

Grrr. Asar tong lalaking toh. Checkmate na naman ako.

"Ou na. Takot na kung takot. Wag mo lang akong sumbong."

"Madali lang naman akong kausap eh. Sabihin mo lang na, Officer Randel, wag mo naman ako sumbong oh, please~~~."

"Ano ko bata para ganyanin mo? No way!"

"Ah ganun ba? Oh sige na mahuhuli na ko sa appointment ko kay mayor." sabay talikod ni Randel.

"Wait lang. Ou na sasabihin na. Hmp. Ehem. Ehem. Officer Randel, wag mo naman ako sumbong oh, please!"

"Please!? Ayoko nun. Walang lambing. Gusto ko please~~~"

"Choosy pa kase eh. Oh ayan. Please~~~."

"Hay. Parang hindi ako kuntento eh. Sige na. Pag iisipan ko pa." tumalikod na si Randel at naglakad ng biglang. . .

"Officer Randel! Wag mo naman akong sumbong oh! Please~~~."

Pagtingin nya sa likuran. Nakita nya si Kisha na nakaluhod sa lupa at nakayuko na parang malapit ng umiyak. Tumakbo agad sya para lapitan ito.

"Tahan na. Ou na. Hindi na kita susumbong." at tinulungan nya itong tumayo.

"Hmf. Pramis?"

"Ou na Lady iyakin!"

"Hmf. Ayoko nyan. Gusto ko pramis."

"Haay. Choosy pa ha? Oh pramis!"

Hahaha! Napakadali talagang utuin ng lalaking toh. Konting acting lang ang kaylangan. Bingo! Galing ko talaga.

"Oh natahimik ka na naman. Tara na pumasok na tayo sa mansion. Baka hinahanap na ko ng dadi mo at hinahanap ka na ni Manang Rosa."

"Ou. Sige."

******************

Sabay umakyat ng 2nd floor ang dalawa. Magkatabi lang kasi ang kwarto ni Mayor at ni Kisha.

"Oh Lady Kisha. Pumasok ka na at magpalit ng damit."

"Ou sige. Basta tumupad ka sa pramis mo ha!"

"OPO!" sabay katok at pasok ni Randel sa kwarto ni Mayor.

Hmf. Wala akong tiwala sa lalaking toh. Kelangan kong marinig kung ano pinag uusapan nila.

******************

Tok. Tok. Tok.

"Tuloy."

Wow. Ang laki ng kwarto. Kalahati opisina, tapos yung kabila bedroom.

At nakita nya si Mayor na nakaupo sa kanyang mini office.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now