Chapter 2: The Princess Announced her Mortal Enemy

3.4K 42 12
                                    

Walang tigil sa pagtakbo si Randel matakasan lang ang mga pulis. Lahat na ata ng kanto at eskinita pinasok niya.

Nagawa rin niyang umakyat ng pader habang mangiyak-ngiyak sa pag-iwas na makulong. 

Nang wala ng marinig na bakas ng mga pulis, saka lang siya nagkalakas ng loob na lumabas sa pinagtaguang drum.

"Pagka nga naman minamalas ka. Sa dinami dami ng pwedeng mabiktima sa ganung babae pa ko natapat.", pagrereklamo ng binata habang pinapagpag ang dumi sa damit.

Biglang may tumawag sa binata.

"Long time no see Mr. Ramirez." , tatlong lalaki ang nakatayo sa kanyang likuran. Ang isa ay matabang bigotilyo. Ang isa ay payat na singkit at ang isa nama'y pandak at mukang may sayad. Lahat ay puno ng gintong alahas sa katawan.

Patay! Malas nga talaga. 

“Ahaha. Ka.. Kayo pala. Antagal ko na kayong hinahanap.” Batid sa ngiti ni Randel ang takot at pag-aalala.

“Ganun ba? Akala kasi namin pinagtaguan mo na kami.”, tanong ng matabang lalaki.

Sumabat ang may sayad.

“Boss, san ba tayo nagpunta at hindi daw niya tayo makita?”

“BOBO!!” sabay batok sa kanya ng payat na lalaki.

“Palusot nya lang yon. Tama ba ko Mr. Ramirez??” dagdag pa nito.

“Hindi noh. An.. Ang totoo nyan……”

“Ah bale babayaran mo na pala kami? Magaling kung ganon.” sabat ng matabang boss.

“Ah eh. Ang totoo Kasi eh. Ano. Ahh. Oo may pambayad na ko. Kaso….”

"Magaling, magaling.hahaha.Asan na??”

“Kaso ano. AH. Naholdap kasi ako habang hinahanap ko kayo.” palusot ng binata.

Muntik ng labasan ng usok sa ilong ang matabang lalaki sa galit.

“Huwag mo nga akong pinaglololoko. Kilala ka namin. Hindi uubra sa amin ang mga panloloko mo. Kung ayaw mong mabaon ng buhay, ibigay mo sa amin ang 300 libo mong utang sa deadline nito sa isang lingo."

“Tama!! Kung ayaw mong ikaw ang madeadline!!” Sabat ng may sayad.

“Bigyan nyo pa ko ng 2 taon. gagawin kong 1 milyon ang bayad sa inyo! Kaso kaylangan ko ng tulong ninyo” kakaibang ngiti ang pinakawalan ng lalaki na tila malakas ang tiwala niyang magtatagumpay ang kanyang balak.

“I… Is.. Isang Milyon?????” daig pa ang choir kung magsabay sabay ang tatlo.

“Call!! Anong plano??” tanong ng matabang boss habang bakas sa mukha ang ngiting gahaman.

“Eto ang plano……….”

-Sa Skul-

Pagbungad mo palang sa gate ay matatanaw mo na agad ang pangalan ng paaralan. COLEGIO DE STA.CLARA.

PAgkababang- pagkababa sa kotse ay diretso agad si Kisha sa kanyang classroom.

Room 207, Florencio Tan Jr. Building. Sunod sa pangalan ng lolo niya na kasalukuyang Governor.

Si Kisha ay 2nd year College sa kursong Public Administration.

First subject?? PHYSICS!!! T_T

Waaah. Late na ko. Sana wala pa dun si sir. T.T

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now