Chapter 25: Vacation in Bukidnon

1.6K 15 2
                                    

Aabutin ng apat na oras ang byahe papuntang bukidnon. Minabuti nila na gumising ng 3am para datnan ang pagsikat ng araw sa lugar na pupuntahan. Pinahiram naman sila ni Mayor ng isang kotse para hindi na sila mamasahe.

"HAaAaAaAaAy." -_- halata sa paghikab ni Randel na antok na antok pa sya.

Ready to go na sila. Nakahanda na ang kotse sa labas. Habang naghihintay ay walang tigil sa pagpunas at pagkondisyon si Mang Ben sa sasakyan. Si Randel naman, ayun. Wala pa sa ulirat habang nakatayo at nakasandal sa kotse at naghihintay.. Sino hinihintay nila? Sino pa nga ba!

Hay. Antagal naman nung babaeng yun. Nilalamig na ko dito. Asar. Tulog pa ba yun. Hay. Kung sa bagay. Ok na tong medyo nadedelay kami. Hindi pa ko handang datnan yung malaimpyerno buhay na daranasin ko pagdating namin sa lugar na yun. T_T

Maya maya ay lumabas ang prinsesa na super energetic.

"Yahoo! Let's go! Tara na! Bukidnon, here I come! Wahaha."

0_0 <-----Randel

Wow ha? Ang aga aga super energetic. Oo nga pala. Nakalimutan ko, idea nga pala nya toh. Malamang hindi nakatulog yang babaeng yan sa sobrang excitement. Hay. >_<

"Ahaha. Kung ok na ang lahat, tara na!" tugon ni Mang Ben.

Hindi ako ok. T_T <-----Randel

Alright! Tara. ^_^ <-----Kisha

Matapos iayos ang lahat ng kanilang mga gamit. Pumasok na si Mang Ben sa driver's seat. Si kisha naman ay pumasok na rin sa back seat. Aktong papasok na si Randel sa passenger's seat ng---

"Hep! Hep! Hoy! Ano sa tingin mo ginagawa mo huh?" hirit ng prinsesa kay Randel.

Huh? Ano sa tingin ko ginagawa ko? Pikon na ko sa babaeng toh huh. Sya may sabing sumama ako tapos ngayon balak pa ata akong paupuin sa bubong. Hay. Dito palang pala magsisimula na ang malaimpyerno kong paglalakbay.huhu. Gudlak Randel, makauwi ka sana ng buhay. T_T

"Mauupo malamang!"

"At sino may sabi sayo na dyan ka maupo ha?"

Hay. Eto na. Sabi na eh. Alam ko dyan din ang bagsak ng usapan eh. Haay.

"Dito ka sa tabi ko maupo!"

0.0 <-----Randel

"Ha? Ah eh. Anu ulet?"

"Hirap mo talaga umintindi nuh. Kelangan paulet ulet? Unli? Ang sabi ko dito ka rin sa back seat maupo!"

"Ah eh. Pero. Kelangan ni Mang Ben ng makakausap sa byahe para hindi sya makatulog."

"Ah so you mean iiwan mo ko dito mag-isa huh? Ako naman yung walang makakausap."

"Makakausap? Eh panigurado tulog ka lang buong byahe eh. Tsaka ang lapit ko lang naman sayo dito oh."

"Ah basta. Teka! Baka nakakalimutan mo, sumama ka dito para bantayan AKO! Hindi si Mang Ben."

"Ah! Baka nakakalimutan mo rin! SINAMA AKO! Hindi SUMAMA! At pinababantayan ka hindi dahil natatakot silang may gumawa sayo ng hindi maganda kundi baka may gawin kang hindi maganda!"

"Aba! Bastos ka! Sinasagot mo ko ng ganyan sa harap ni Mang Ben? Huh?" :p

Natauhan si Randel ng mapansing nakatingin sa kanya si Mang Ben na tila gulat na gulat. Pahiya ng konti ang binata.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon