Prologue

14.9K 178 13
                                    

Label: Best Friends
'Everything Has Changed' Side Story
Written by: jglaiza

Prologue

**

Bea’s Point of View

Paano nga ba kami naging magkaibigan ni Angelo?

Hindi naman ganoon ka-close ang mga magulang namin. Hindi rin naman sila nakatira sa tabi ng bahay namin pero nasa iisang village kami. Siguro mga limang bahay pa bago ako makarating sa kanila.

Our mother would sometimes ask me to go out and play with other kids. Hindi kasi ako mahilig lumabas ng bahay. Si Eunice lang ang tanging kalaro ko noon pero dahil dalawang taon pa lang siya, hindi pa siya pwedeng lumabas ng bahay.

That time, Eunice was sleeping so I have no choice but to go out and play outside. Pinayagan naman ako ni Mommy na lumabas basta huwag lang akong lalayo sa yaya ko.

My yaya brought me to the village park. Marami-rami rin ang mga batang naglalaro doon. Ang iba pa nga sa kanila ay may mga dalang laruan na shine-share nila sa mga kalaro nila. Dahil wala naman akong kilala sa kanila, nagpasya akong umupo na lamang sa swing.

“Hindi ka ba makikipaglaro sa kanila, Bea?” tanong sa akin ng yaya ko.

Umiling ako habang nakatingin sa mga bata na masayang naglalaro. “Wala naman po akong kilala sa kanila, yaya. Dito na lang ako. Ayos lang naman po ako dito, eh. Papanoorin ko na lang po sila.”

Hindi ko na narinig pang sumagot ang yaya ko pagkatapos no’n. Nanatili na lamang akong tahimik habang tinitingnan ko ang mga bata sa buong park.

Sa totoo lang, naiinggit ako. Gusto ko rin silang makalaro. Gusto ko ring makipagkaibigan. Kaya lang, nahihiya ako. Feeling ko rin, hindi naman nila ako papansinin kasi marami na silang friends.

I was busy watching the kids when someone suddenly approached me.

“Hi!”

Nilingon ko ang bumating iyon at tumambad sa akin ang medyo may katabaang lalaki na may hawak na ice cream sa isang kamay. Sa kabilang kamay naman ay mayroon siyang hawak na bola. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

I creased my forehead because I don’t know why he’s talking to me. Hindi naman nawala ang ngiti niya kahit na hindi ko siya binati pabalik. Umupo siya sa katabi kong swing habang nakasunod naman ang tingin ko sa kanya.

“What’s your name?” he asked.

Hindi pa rin ako nagsalita. Nagtataka talaga ako kung bakit niya ako kinakausap. I mean, okay lang naman sa’kin na kausapin niya ako pero kasi, hindi naman niya ako kilala.

“Bakit hindi ka nagsasalita? Pipi ka ba?” tanong niya ulit. Nang hindi ako sumagot ay sinundan niya ang tanong niya. “Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito, eh.”

Hindi pa rin ako sumagot. Sa pagkakataong iyon ay lumapit na sa amin ang yaya ko saka niya kinausap ang batang lalaki.

“Hijo, pasensya ka na, ha? Mahiyain kasi itong alaga ko. Matagal na kami rito pero ngayon lang kasi siya lumabas ng bahay. Ikaw? Taga-rito ka ba?” tanong niya sa bata.

“Opo. Malapit lang po dito ang bahay namin,” sagot naman ng batang lalaki.

Napatango-tango si yaya. “Ganoon ba? Ano nga palang pangalan mo?”

“Angelo po.”

“Ah. Angelo, wala ka bang kasama? Nasaan ang yaya mo? ‘Yong mga kalaro mo, nasaan?” tanong pa ulit ni yaya habang ako naman ay nakatingin lang sa batang nagngangalang Angelo.

“Wala po akong yaya kasi malaki na po ako. Kaya ko rin naman po ang sarili ko,” sagot ni Angelo. Napakunot-noo naman ako dahil tingin ko ay magkasing-edad lang kami. “’Yong mga kalaro ko naman po, umuwi na. Pinauwi na po sila kaya mag-isa na lang ako rito.”

“Ganoon ba? Hmm… kung ganoon, wala ka nang kalaro? Gusto mo bang maging kaibigan itong alaga ko? Wala kasi siyang kakilala dito kaya nahihiya siyang makipaglaro. Okay lang ba?”

Nagulat ako sa sinabi ni yaya. Gusto ko sanang umapela pero sa huli ay napanguso na lang ako. Dapat nga hindi na ako magreklamo dahil si yaya na ang gumagawa ng paraan para magkaroon ako ng friend. Well, that’s if he wants to be friends with me.

Tumingin sa akin si Angelo. Matagal niya akong tinitigan bago siya bumaling kay yaya. He smiled.

“Kung magsasalita po siya at sasabihin niya ang pangalan niya, pwede po kaming maging friends,” aniya. Napakurap ako sa sinabi niya. Bumaling naman sa akin si yaya.

“Oh, narinig mo ‘yon?” aniya. Ngumiti siya at sumenyas na lumapit ako kay Angelo.

Tumingin naman ako kay Angelo at saglit na nag-isip. Nahihiya ako. Pero kung hindi ko sasabihin ang pangalan ko, para ko na ring sinayang ang pagkakataon na magkaroon ng kaibigan. This is my chance. I shouldn’t waste it.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palapit sa kanya. Nang nasa tapat na niya ako ay naglahad ako ng kamay.

“I’m B-Bea.”

Akala ko ay hindi niya iyon tatanggapin pero sa huli ay ngumiti siya. Ibinaba niya ang bolang hawak niya bago niya ako kinamayan.

“I’m Angelo. Mula ngayon, best friends na tayo, ha?” masaya niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya pero sa huli ay tumango na lang ako at napangiti na rin. Best friends, huh? Sa totoo lang, okay na ‘ko sa friends. Pero hindi ko akalaing gagawin niya akong best friend.

Mula noon, madalas na kaming magkasama. Paminsan-minsan ay sa bahay nila o sa bahay namin kami naglalaro. Sumasama pa rin siya sa iba pang kalaro niya pero kapag nakita niyang wala akong kasama, ako ang sinasamahan niya. Minsan naman, kasama namin sa paglalaro ang mga kalaro niya kaya naging kaibigan ko na rin sila.

That’s how Angelo and I became best friends. But as time goes by, as we grow older, I started to feel something for him. Ang masama, kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, sa huli ay nahulog pa rin ako. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero namalayan ko na lang na hindi na lang best friend ang tingin ko sa kanya. It’s more than that.

Hanggang best friends na nga lang ba kami? Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko pero natatakot ako. Paano kung hindi naman niya ako gusto? Paano kung masira ang pagkakaibigang binuo namin ng matagal dahil sa nararamdaman ko?

Pero paano kung masabi ko nga sa kanya ang nararamdaman ko at pareho rin kami ng nararamdaman? Paano kung mahal nga namin ang isa’t isa pero huli na ang lahat?

**

Author's Note:

I changed my wattpad username. From bluefangirl to jglaiza. Just saying :)

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now