Eighteen

3.2K 83 5
                                    

Chapter 18
Trust

**

"What? Are you kidding me?!"

"Uh... Ate, please calm down," sabi ni Eunice pagkatapos kong mapasigaw dahil sa gulat.

Napansin ko naman sa peripheral vision ko na may mga napatingin naman sa amin kaya agad kong hininaan ang boses ko kahit na gustong-gusto ko silang sigawan pagkatapos ng nalaman ko.

"How can I calm down?" I said.

Seriously, paano ako kakalma sa sitwasyong ito? My sister is pregnant and they expect me to be calm? No, I can't! Galit ako dahil sa ginawa nila!

"I'm sorry, Ate," Eunice sincerely said.

Tumingin ako kay Niel. "How did that happen? What did you do to my sister? Hindi pa kayo nagkakabalikan pero nabuntis mo siya? You made her your mistress?"

"I didn't. She's not a mistress," he immediately replied.

"Nabuntis mo siya, Niel. That makes her your mistress," I said, trying to be calm but I still feel mad about this.

Napayuko si Eunice habang natahimik naman si Niel. Alam kong alam nilang tama ang sinabi ko.

Ano ba naman kasi ito? Bakit ganito naman ang nangyari? Alam kong mahal nila ang isa't isa pero kailangan ba talagang ngayon pa ito mangyari? Hindi ba nila mapigilan ang sarili nila?

"Ano ba naman kayo? Hindi man lang ba kayo nag-isip? Okay lang naman kung gusto niyong magkaanak o bumuo ng sarili niyong pamilya. I'm okay with that. Pero sana naman ginawa niyo iyan noon pa. Noong hindi pa ina-announce ni Lolo na may kasalang magaganap. O kaya sana kinausap niyo na muna ako at nag-isip na lang muna tayo ng paraan para magawa ninyo ang gusto niyo. Pero sa sitwasyong ito pa talaga ninyo ginawa? Ngayon pa talaga kung kailan kasal ka na sa'kin, Niel?" galit kong sabi.

Nanatili pa rin silang tahimik. They look guilty. Well, they should be. What they did is wrong and I'm not going to tolerate it. I want them to end up together but not like this!

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Hindi naman ako tututol sa inyong dalawa. In fact, I want you both to be happy. I want you, Niel, for my sister. Pero sana naisip niyong hindi ito ang tamang oras para doon. You made Eunice your mistress, Niel. Dahil kasal ka sa'kin, you made her your mistress."

Hindi pa rin sila umimik. I know they're thinking. Alam ko rin na naiintindihan nila ako. Kapatid ko si Eunice at ayoko namang ganito ang sapitin niya. She deserves better than this. I don't want her to live as someone's mistress.

Maya-maya ay napabuntong-hininga si Niel.

"Okay, look. Alam na namin 'yan. Naisip na namin iyan. Alam na naming nagkamali kami. Hindi naman namin sinasadya, eh. It just... happened. Wala na kaming magagawa. Nandiyan na iyan. Kaya namin sinabi ito sa'yo ngayon ay dahil kailangan namin ng tulong mo. We have a plan and we need all the help we can get."

Humalukipkip ako at tinitigan silang dalawa. Saglit akong nag-isip. Well, may point naman si Niel. Ano pa nga ba ang magagawa namin? Kahit naman pagalitan ko sila nang ilang beses, wala na ring mababago. Buntis na si Eunice at ang kailangan namin ngayong gawin ay ang mag-isip ng paraan para maging maayos ang lahat.

Ngayon pa lang, naiisip ko nang magiging mahirap ito. Huminga ako nang malalim.

"Okay. What's your plan, then? Siguraduhin niyo lang na masosolusyonan niyo talaga ito," sabi ko bago bumaling kay Niel. "Lalo ka na, Niel. I don't want my sister to suffer. I don't want her to be your mistress forever."

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now