Twenty-Six

3.3K 81 5
                                    

Chapter 26
Kiss

**

Hindi ako nakasagot. I mean, of course I’m willing to marry him. But this question shocked me because we just got together yesterday. Hindi ba parang masyadong mabilis?

Well, okay lang naman sa akin kung mabilis dahil ilang taon din naming itinago sa isa’t isa ang tunay na nararamdaman namin pero baka naman nabibigla lang siya? This is just too fast.

“I know you’re thinking it’s too fast. Pero hindi naman tayo agad magpapakasal. I just want to know if you’re willing to marry me,” he said. “I’ve been in love with you since we were teenagers, Bea. Bakit pa ba natin patatagalin? Ngayong akin ka na, ayokong sayangin ito. I want you to be with me for the rest of my life.”

“Um… hindi ka ba nabibigla lang?” tanong ko.

“No, I’m not. Matagal ko na rin itong pinag-isipan. Ang sabi ko sa sarili ko noon, kapag naging akin ka na, hinding-hindi ako makapapayag na mawala ka pa sa akin. I’ll do everything just to have you by my side. I’ll do everything so that you won’t leave me.”

“Hindi naman kita iiwan, eh. Hinding-hindi ko gagawin iyon.”

Napapikit siya. “I know. But I just want to be assured. Okay lang kung hindi tayo magpakasal agad pero gusto ko lang malaman kung willing ka rin bang makasama ako habambuhay. If you say yes, I have a ring in my pocket. I can put it on your finger now.”

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. He has a ring! He has a ring in his pocket! Hindi ko alam kung bakit pero kahit na nalaman ko iyon, ni hindi man lang ako nakaramdam ng pressure. It’s like I already know the answer to his question.

Tama naman siya. Matagal na naming itinago ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Ngayong alam na namin iyon, hindi ba’t mas mabuting huwag na naming sayangin ang pagkakataon? Besides, sabi nga niya, hindi naman agad kami magpapakasal. He just wants assurance.

Ako rin. I want his assurance. I want him to be with me for the rest of my life, too.

“But if you’re going to refuse, t-that’s okay, too. I can still wait until you tell me you’re ready,” he said.

Tumikhim ako at umiling. Nang makita niya ang ginawa ko ay bumagsak ang balikat niya. Bago pa man siya mag-isip ng kung ano ay agad na akong ngumiti.

“Angelo, I want to be with you, too. I want you to be with me for the rest of my life, too.”

“But you’re still not ready, right? You—“

“Yes. My answer to your proposal is yes, Angelo. At iyon lang ang nag-iisang sagot na sasabihin ko kahit ilang beses mo pang itanong iyon sa akin.”

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. Mas lalo akong ngumiti para ipakita sa kanya na seryoso ako.

“Really?” he asked. Tumango ako nang paulit-ulit hanggang sa unti-unti siyang napangiti. “Wait a minute.”

May kinapa siya sa bulsa niya na kung ano. Nang ilabas niya iyon ay napatakip ako sa bibig at biglang nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. It was a diamond ring!

Kinuha niya ang kamay ko saka dahan-dahang isinuot ang singsing doon.

“Angelo, this is… so beautiful,” I said. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko dahil sa labis na kasiyahan lalo na nang halikan niyang muli ang singsing sa daliri ko.

“It suits you,” he said before pulling me for a hug. He kissed the side of my head. “I love you so much, Bea. Don’t you ever forget that.”

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now