Twenty-Five

3.7K 96 4
                                    

Chapter 25
Marry

**

Kinabukasan ay bumisita nga si Angelo sa ospital para kumustahin si Eunice at para na rin kausapin ako. Gising si Eunice nang dumating siya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para kausapin ito.

Wala si Mommy ngayon dahil umuwi muna siya saglit para masigurong maayos na sa bahay. Pwede na kasing ma-discharge si Eunice at balak naming bukas na siya iuwi sa bahay. Sina Daddy at Lolo naman ay nasa hotel para magtrabaho.

“How are you, Eunice?” Angelo asked. Imbes na sagutin ni Eunice ang kanyang tanong ay binigyan niya ito ng isang malamig na tingin.

“Where’s Niel, Kuya? Is he safe?” she asked.

Tumingin si Angelo sa akin bago niya sinagot ang tanong ni Eunice.

“He doesn’t want me to tell you where he is but you don’t have to worry. He’s safe.”

“Bakit hindi niya ako isinama? Ayaw na ba niya sa akin? Bakit niya ako iniwan?” sunod-sunod niyang tanong. Bigla akong nataranta nang makita kong tuloy-tuloy na umagos ang luha niya.

Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap.

“Eunice, he loves you. Sinabi naman niya sa’yo iyon, ‘di ba? Babalik siya. Babalikan ka niya. Maybe not now, but soon he will. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka niya, okay?”

“Ayaw niya ring mawalay sa’yo ng matagal, Eunice. I’m sure he’ll be back when the right time comes. Babalikan ka niya. Iyon ang ipinangako niya,” sabi ni Angelo.

Umiyak lang nang umiyak si Eunice habang patuloy ko naman siyang pinapakalma. Kumuha ng tubig si Angelo para ipainom kay Eunice. Nang tuluyan siyang kumalma ay hinayaan ko siyang humiga para makapagpahinga.

“Magpahinga ka muna, Eunice. Mamaya pa darating sina Mommy kaya mas mabuting magpahinga ka muna. You’ll be discharged tomorrow,” I said.

“I don’t want to see Lolo. He’s the reason why I lost my child,” she suddenly said. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa kawalan.

Napabuntong-hininga ako. “Hindi naman niya sinasadya iyon, Eunice. Believe me, ayaw rin niyang mawala ang baby mo.”

“Kung ayaw niyang mawala ang anak ko, sana hinayaan niya na lang kami. Kung hinayaan niya kami, sana nandito pa si Niel at sana nandito pa ang anak namin,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Angelo dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin para hindi na magtanim pa ng galit si Eunice kay Lolo. At hindi ko rin alam kung paano ko ito sasabihin kina Mommy.

“Hayaan na muna natin siyang magpahinga, Bea. Hayaan na rin muna natin siyang makapag-isip. Masakit pa sa kanya ang mga nangyari. It will take a lot of time until she completely heals,” Angelo whispered to me.

Huminga ako nang malalim saka tumango. Nagpasya kaming lumabas muna ng kwarto para hayaang makapagpahinga si Eunice. Paglabas namin ay umupo kami sa hospital bench na naroon para makapag-usap.

“I’m still worried about Eunice,” I said.

“She’ll eventually get over it. Nandiyan naman kayo ng Mommy mo para tulungan siya,” aniya. “By the way, ano nga pala ‘yong dapat na pag-uusapan natin ngayon?”

Nang itanong niya iyon ay bigla ko namang naalala ang dapat na sasabihin ko sa kanya.

“Oh. Um… balak ko kasi sanang mag-resign na muna sa travel agency. I want to be there for Eunice. Alam kong masakit pa rin para sa kanya ang mga nangyari. Nag-aalala akong baka may gawin siyang hindi naman dapat. Hindi kasi pwedeng si Mommy ang laging magbantay sa kanya dahil minsan ay kailangan siya sa hotel. And you know Dad and Lolo. Kailangan din sila roon,” sabi ko. “Hindi ko naman maipagkakatiwala sa mga katulong namin ang kalagayan niya. You know what I’m trying to say, right?”

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now