One

8.2K 181 10
                                    

Chapter 1
Vacation

**

“Congratulations, Ate!” nakangiting bati ni Eunice sa akin nang makalapit ako sa kanila.

Today is my college graduation day. Isa-isa akong binati ng pamilya ko at todo naman ang pasasalamat ko sa kanila dahil nandiyan sila para sa akin. They’re the reason why I’m here today.

Nag-picture taking kami pagkatapos ng batian. Nilapitan din ako ng ilang kaklase at kaibigan ko para magpa-picture. Sa buong oras na nagpapa-picture ako kasama sila ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid para hanapin ang isang taong kasabay ko ring nagtapos ngayong araw na ito.

Napahinto ang tingin ko sa mga nagkukumpulang estudyante sa ‘di kalayuan. Puro sila lalaki at wala na silang ibang ginawa kundi ang magkagulo sa pagkuha ng picture.

I can’t help but smile when I saw Angelo smiling with his friends. I told my parents to wait for me before walking towards Angelo and his friends.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanila ay nakita kong napatingin na si Angelo sa gawi ko. Mas lumawak ang pagkakangiti niya nang makita ako. Bumaling siya saglit sa mga kaibigan para siguro magpaalam pagkatapos ay sinalubong na niya ako.

“Congratulations!” nakangiti niyang bati sa akin nang tuluyan siyang makalapit. Napangiti ako nang malawak.

“Congratulations din!”

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya at doon ko napansing hawak niya ang cellphone niya para kumuha ng picture. Ngumiti ako para naman magmukha akong maganda at maayos sa picture.

Pagkatapos no’n ay bumaling siya sa’kin.

“Nasaan sila Tita?” tanong niya.

“Nandiyan lang sila sa tabi-tabi. Sinabi ko naman na saglit lang ako. Ikaw? Sila Tita at Tito, nasaan?”

“Nauna nang pumunta sa sasakyan. Paalis na sana kami kaso bigla namang nahila ng tropa kaya nagpahintay na lang ako saglit,” sagot niya.

Napasimangot ako. “So, may balak kang umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa’kin?”

Mas lalo naman siyang napangiti na para bang natuwa pa siya sa sinabi ko. Actually, nagkita naman kami kanina bago nagsimula ang graduation ceremony pero siyempre, iba pa rin ‘yong makapagpaalam man lang kami sa isa’t isa na uuwi na.

“Ito naman! Hindi naman ako aalis nang hindi nakakapagpaalam sa’yo, eh. Siyempre dadaanan muna kita bago kami umalis,” aniya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

“Talaga lang, ha?”

“Oo naman,” sagot niya. “By the way, are you busy tonight?”

“Tonight? I don’t know. Siguro? Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang celebration namin, eh. Bakit? Anong meron?” kunot-noo kong tanong.

Magsasalita na sana siya pero bago pa man mangyari iyon ay parehas kaming natigilan nang may tumawag sa akin.

“Ate Bea!”

It was my sister’s voice. Nilingon ko siya at nakita kong palapit siya sa amin. Nang tuluyan siyang makalapit ay bumaling siya kay Angelo at ngumiti.

“Hi, Kuya Angelo. Congratulations!” she greeted.

“Thanks,” Angelo replied. “Aalis na kayo?”

“Oo, Kuya. Pasensya na kung kukunin ko na si Ate sa’yo. Pero kung may pinag-uusapan pa kayo, pwede naman namin siyang hintayin sa sasakyan,” sabi ni Eunice.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now