Seven

4.3K 97 4
                                    

Chapter 7
Dinner

**

Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung bakit pumayag si Angelo na ligawan ako ni Jay. Hindi naman sa gusto kong huwag siyang pumayag pero kasi, nakakapanibago. Dati naman ay hindi siya pumapayag. Anong nagbago?

Gusto kong magtanong sa kanya pero hindi naman ako makakuha ng tiyempo lalo na dahil nasa office pa kami. Maybe I’ll talk to him later after work or when I get a chance.

During lunch break, Jay offered to buy me lunch. Ayoko sana dahil maliban sa may pera naman akong pambili, hindi ako iyong tipo na nagpapalibre. Besides, hindi naman dahil manliligaw ko siya ay dapat ko na siyang hayaang ibili ako ng pagkain. Hindi ako ganoon.

Pero sa huli ay hindi ko na siya napigilan dahil inunahan na niya ako bago pa man ako makapagbayad.

“Bukas, ako ang magbabayad ng lunch natin, okay?” sabi ko sa kanya habang hinihintay naming maibigay sa amin ang pagkain namin.

Napasimangot naman si Jay. “Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo na lang ‘to? If you really don’t want me to treat you, then fine. I won’t treat you. Pero hayaan mo na lang ako ngayon. This is the first and last. Ganito naman kasi kapag nanliligaw, ‘di ba? Inililibre dapat ‘yong babae?”

“Not all girls are like that, Jay. I’m not like that. There are so many ways to show a girl how much you like her. You don’t have to do this. Seriously, is this your first time courting a girl?” I asked.

Napasulyap siya sa akin pero agad ding umiwas ng tingin. Ngumiti siya nang tipid saka tumango nang dahan-dahan. Napataas naman ako ng kilay dahil sa nalaman. Sakto namang ibinigay na sa amin ang order namin kaya naglakad na kami papunta sa mesa namin kung nasaan ngayon sina Angelo at Luis.

“Really?” I asked. He nodded again. “Wala ka man lang bang nagustuhan dati? ‘Yong tipong gusto mo ring ligawan?”

“Meron naman pero ni minsan hindi ako umamin. Wala akong lakas ng loob, eh,” nahihiya niyang sabi.

Hindi na ako sumagot lalo na nang makaupo na kami sa mesa namin. Napakunot-noo ako nang mapansin si Lara sa tabi ni Angelo na katabi ko rin sa kabilang side. May sarili siyang dalang baon. So, she’s joining us for lunch today?

She smiled as soon as we take our seat.

“Hi, Jay. Hi, Bea. Samahan ko kayong mag-lunch, ha?” aniya. Tumango na lang ako at ngumiti nang tipid dahil wala naman akong magagawa. Nandiyan na siya at ready-ng ready nang kumain.

“Sure. No problem,” I replied.

“By the way, I heard from Luis that Jay is courting you. Is it true?” she asked. Napahinto ako sa pagkain nang itanong niya iyon.

“Yeah, you could say that,” I said. Ngumiti naman siya nang malawak saka nilingon si Jay. Binigyan niya ito ng nanunuksong tingin. Napayuko si Jay nang dahil sa hiya. I saw how his ears turned red while eating his food.

“Nice naman, Jay. May hidden desire ka pala kay Bea,” aniya bago bumaling sa’kin. “Buti pumayag si Angelo na ligawan ka ni Jay. O baka hindi naman nagpaalam si Jay?”

“Nagpaalam siya. Pumayag ako,” sagot ni Angelo nang hindi nag-aangat ng tingin. Patuloy pa rin siyang kumakain habang naka-poker face. Pakiramdam ko tuloy, hindi niya talaga gusto ang ideyang nililigawan ako ni Jay.

Ugh! Hindi ko na dapat iniisip ‘yon. That possibility will just bother me. Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan ang walang gana niyang pagsagot dahil baka sa huli, umasa lang ako at masaktan.

“Well, that’s good. Pagbutihin mo na lang, Jay. I’m sure mapapasagot mo rin si Bea,” nakangiting sabi ni Lara. Hindi naman sumagot si Jay at tipid lang na ngumiti dahil sa hiya.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now