Fifteen

3.7K 80 8
                                    

Chapter 15
Sana

**

Maaga akong nagising kinabukasan. Kasalukuyan pa rin akong nakahiga kahit na kanina pa tumunog at namatay ang alarm ko. Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip.

Hindi ko nasabi kay Bea kahapon ang tungkol sa nararamdaman ko. Pero may parte pa rin sa akin na gusto ko iyong sabihin sa kanya. Kahit huli na ang lahat, gusto ko pa ring sabihin sa kanya.

Kahit sa huling pagkakataon, gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya.

Mabilis akong tumayo at nagbihis. Today is Bea's wedding day. I need to talk to her before her wedding. Bakit ba kasi ako nagpakatanga kahapon? Bakit ako nagpakaduwag? Bakit hindi ko na lang sinabi sa kanya na mahal ko siya?

Oh, right. Iyon ay dahil iniisip ko ang pamilya niya at ang pamilya ni Niel na kaibigan na rin namin. Iniisip ko kung anong mangyayari sa pamilya nila sa oras na sinuway namin ang gusto ng Lolo niya. Pero... hindi naman siguro ipapahamak ni Lolo Lorenzo ang sarili niyang pamilya, 'di ba? Apo niya sina Bea at Eunice. Siguro naman, papakinggan niya sila.

My family was also invited to the wedding. Sabay-sabay na kaming umalis ng bahay para pumunta sa simbahan. Hindi ko alam kung nandoon na si Bea pero ipinagdadasal ko na sana ay makausap ko pa siya bago magsimula ang kasal.

Pero mukhang pati iyon ay ipinagkait sa akin ng tadhana.

Marami nang tao pagdating namin sa simbahan. Maliban sa mga kakilala ng pamilya nina Bea at Niel, nakita ko rin doon sina Lara, Luis, Jay at iba pa naming officemates. Hindi naman nila ako nakita dahil mukhang nagkakatuwaan sila kaya hindi na lang din ako lumapit. Nagpasya akong maghintay na muna sa isang gilid sa pagdating ni Bea.

Nang dumating ang bridal car, hindi ako agad nakalapit dahil pinalibutan na iyon ng wedding coordinator at ng iba pang bisita. Napabuntong-hininga ako dahil mukhang hindi ko na yata makakausap si Bea. Tanging ang kapatid niyang si Eunice ang nakita ko nang bumaba ito ng sasakyan.

Lumapit siya sa akin kaya naman binati ko agad siya.

"Hello, Eunice."

She smiled. "Hi, Kuya. Kanina ka pa nandito?"

I nodded.

"Oo. Inagahan ko kasi gusto kong makita iyong itsura ng simbahan," I lied. "Nakita ko na rin si Niel kanina. Nasa loob siya ng simbahan kasama ang pamilya niya."

Tumango siya. Napakunot-noo ako nang makita kong biglang lumungkot ang itsura niya. I sighed when I realized that she must be feeling what I'm feeling right now.

"Eunice, ayos ka lang ba?" tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.

"Sa totoo lang, hindi. Pinipilit ko lang na maging maayos. Wala na rin naman akong magagawa, eh. Kailangan ko na lang talagang tanggapin na hanggang dito na lang. Hindi talaga kami para sa isa't isa. Ikaw ba, Kuya, ayos ka lang?"

Tumawa ako nang mahina. "Siyempre hindi. Masakit na nga na malaman na ikakasal siya sa iba, mas lalong masakit kasi makikita ko siyang ikakasal sa iba. Pero alam mo, kahit papaano, panatag naman ang loob ko dahil kay Niel siya ikakasal. Mabuting tao naman si Niel. Kahit na alam kong ikaw ang mahal niya, alam ko rin na hindi naman niya pababayaan ang Ate mo. Pasensya na kung ganito ang naiisip ko."

"Ayos lang, Kuya. Kung tutuusin, tama ka naman. Kahit papaano, napanatag na rin ang loob ko. Surely, matututunan din nilang mahalin ang isa't isa pagdating ng panahon," sagot niya.

Mapait akong ngumiti. Ang sakit namang marinig na may iba siyang mamahalin. But that's our reality. Hindi ko naman siya mapipigilan na magmahal ng iba.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now