Ten

3.8K 88 17
                                    

Chapter 10
Real Score

**

“Where are you going, Ate?” Eunice asked when she saw me going out. Nasa garden kasi siya ngayon at nagbabasa. Napahinto naman ako sa paglabas ng bahay para harapin siya.

I shrugged. “I don’t know.”

Napakunot-noo siya. “Alam ba nina Mommy na aalis ka at hindi mo alam kung saan ka pupunta?”

“Um… yeah? I told her I’ll go out with Angelo today. Hindi ko pa kasi alam kung saan kami pupunta ni Angelo ngayon. Siguro sa mall lang?”

“Oh, okay,” she said while nodding continuously. “Ingat na lang, Ate.”

Tumango ako at nagpatuloy na sa paglabas ng bahay. Nasa labas na kasi si Angelo para sunduin ako. Paglabas ko ay agad kong nakita ang kotse niya kaya agad na rin akong sumakay.

“So, where do you want to go?” he asked the moment I settled inside his car. Wala nang Hi or Hello. Iyon agad ang bungad niya. Talaga nga naman.

Napakunot-noo ako. “Hindi mo alam kung saan tayo pupunta?”

“Let’s go where you wanted to go and let’s do what you wanted to do.”

Natigilan ako. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang ngiti nang may maisip. Well, there is something that I really wanted to do with him. I’ve always wanted to go on a date with him. Gusto kong gawin ang madalas na ginagawa ng mga couple na nakikita ko.

But of course, I can’t just ask him to go with me on a date. First, we’re not a couple. And second, he doesn’t know what I feel for him.

Siguro naman ayos lang na samantalahin ko ang pagkakataong ito para maka-date siya, ‘di ba?

“Um… okay lang ba kung sa mall na lang? Movie?” nahihiya kong tanong.

He smiled and nodded. “Sure.”

Napangiti ako at tahimik na tumingin na lang sa harap. I’m excited. This is my first date with him… kahit hindi niya alam na date namin ‘to. Bakit ba? Masama bang mangarap?

Sa isang malayong mall na hindi namin madalas mapuntahan niya ako dinala. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic kaya nakarating kami agad makalipas ang isang oras. Pagkatapos niyang mai-park ang sasakyan ay bumaba na kami at naglakad papasok sa mall.

Dumiretso na kami agad sa sinehan para bumili ng ticket. Huminto kami sa harap ng movie list para tingnan ang showing na movies ngayon. Balak ko na sanang sabihin sa kanya ang palabas na gusto kong panoorin pero bago ko pa man iyon magawa ay naunahan na niya ako.

“Action panoorin natin, ha?” aniya. Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.

“Romance na lang. Nabasa ko sa reviews na maganda raw ‘yon. And I read the book. Maganda ‘yon, promise.”

“Nabasa mo naman na pala ‘yong libro, eh. Alam mo na kung anong mangyayari. Action na lang panoorin natin. O kaya ‘yong Thor na lang,” sabi pa niya.

Imbes na sumagot ay tumingin lang ako sa kanya at lumabi. Sinubukan kong magmukhang nagtatampo at kawawa para pagbigyan niya ako. Nagtaas naman siya ng kilay at maya-maya ay napakunot-noo na para bang hindi niya alam kung ano ang gagawin.

After a few seconds, he closed his eyes and sighed. Lihim akong napangiti dahil alam kong nagtagumpay ako.

“Fine. Panoorin na natin kung anong gusto mo,” pagsuko niya. Napangiti naman ako nang malawak at agad akong napayakap sa kanya tulad nang dati kong ginagawa pag pinagbibigyan niya ‘ko.

Label: Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon