Thirteen

3.6K 88 9
                                    

Chapter 13
Invitation

**

Nahirapan akong makatulog nang gabing iyon kaya kinailangan pa akong gisingin ng kasambahay kinabukasan para sumabay sa agahan. Tahimik ang lahat habang kumakain. Walang sinuman sa amin ang umiimik. Nanatili ang tingin ko sa pagkain ko at hindi ko man lang naisipang tingnan ang kahit sino sa pamilya ko.

Sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko ang maya’t mayang pagsulyap sa akin ni Mommy. I don’t know what she’s thinking. Hindi ko rin alam kung ano ang reaksyon niya sa mga oras na ito pero may hinala na ako na baka nag-aalala siya sa akin. Kung nag-aalala siya, bakit hindi niya subukang kumbinsihin si Lolo na itigil na lang ang kasal?

I sighed. I’m sure she also doesn’t know what to do. Kilala namin si Lolo. Kapag may sinabi siya, kailangang iyon ang masunod. Kahit na ano pang sabihin namin o ng mga magulang namin, kailangan iyon ang masunod. I also know what he’s capable of. May mga bagay siyang kayang gawin na pwedeng makapagpahamak sa amin. Who knows what will happen if we decide to disobey his orders.

“Ate Bea,” dinig kong tawag sa akin ni Eunice kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“Hmm?”

“P-Pwede mo ba akong samahan? Pupunta sana ako sa mall.”

I immediately nodded. “Okay.”

Sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako niyayayang lumabas. I heard my sister and Niel talking last night. Plano na talaga niyang kausapin ako at tingin ko ay ngayon na ang araw na iyon.

Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin ngayon. Is she going to tell me about her secret relationship with Niel? Do they already found a way to stop the wedding? If there is, I’ll do everything... everything just for the wedding to be cancelled.

Matapos kumain ay pareho na kaming naghanda ni Eunice sa pag-alis. Nang pareho na kaming nakaayos ay nagpaalam na kami kay Mommy at nagpahatid sa driver.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na kami sa mall. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon maliban sa alam kong gusto akong kausapin ni Eunice. Sa huli ay hinayaan kong siya na lang ang magpasya kung saan kami pupunta.

She brought me to a Japanese restaurant. May mga private rooms doon kung saan pwedeng kumain. Nang makapasok kami sa isang kwarto ay agad din kaming um-order ng pagkain. Dahil halos kakakain lang naman namin bago umalis, kaunti na lang in-order ko.

As soon as the food was served, Eunice started talking.

“Ate...”

“I don’t want to marry Niel, Eunice. You know who I like, right?” I immediately said.

Napansin kong nakahinga siya nang maluwag nang sabihin ko iyon. Napakunot-noo ako. Iniisip ba niyang payag akong magpakasal kay Niel? That’s impossible. Inamin namin sa isa’t isa dati kung sino ba talaga ang gusto namin. She knows that I like Angelo and she told me she likes Niel.

Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon dahil baka nakalimutan niya lang. O baka naman nag-aalala siya na nawala na ang pagmamahal ko kay Angelo nang higit pa sa kaibigan.

“Kapatid lang ang turing ko kay Niel. Hanggang doon lang. I’m sorry, Eunice,” pagpapatuloy ko. Somehow, I feel guilty because Niel is marrying me. Dapat hindi sa akin. Dapat kay Eunice.

“Ate, you don’t have to say sorry. Wala kang kasalanan. Alam ko namang napipilitan ka lang din. Even Niel doesn’t want this to happen. Pero Ate, anong balak mo?”

Napayuko ako at napabuntong-hininga.

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam. I also asked Angelo what to do. Pero maski siya ay walang naisagot. Natatakot ako, Eunice. Hindi ako makaisip ng paraan dahil laging sumasagi sa isip ko ang kayang gawin ni Lolo,” sagot ko.

Label: Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon