Twenty-Nine

3.8K 94 5
                                    

Chapter 29
Space

**

Tumakbo lang ako nang tumakbo habang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nakita ko. Dahil doon ay mas lalo lang akong naiiyak at hindi ko na alam kung paano ko pa pakakalmahin ang sarili ko.

Paano niya nagawa sa akin ito? Alam ko namang may pagkukulang ako bilang girlfriend slash fiancée niya pero kailangan ba talaga niya akong pagtaksilan nang ganoon? At sa lahat naman ng lugar kung saan niya pipiliing magtaksil, sa lugar pa na pinaka-espesyal sa akin.

It’s our special place. It’s where we first met. It’s where I gave him a chance to prove himself to me.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko ba siyang pakinggan? I should, right? Paano kung may dahilan naman kung bakit niya nagawa iyon? Pero anong dahilan? Bakit kailangan niya akong pagtaksilan? At kailan niya pa ba ito ginagawa? Sa bawat pagkukulang ko ba bilang girlfriend niya, pinagtataksilan niya ako?

Ayaw na ba niya sa akin? Hindi na ba niya ako mahal?

“Bea, wait! Listen to me, please! Magpapaliwanag ako,” dinig kong sabi niya habang nakasunod pa rin sa akin. Shit lang! Hindi ba niya makita na hindi ko pa kayang makinig sa kanya ngayon?

“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Bumalik ka na lang sa kanya!” sigaw ko.

“Bea, wala lang naman iyon, eh.”

Nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig. Sa sobrang galit ko ay huminto ako sa pagtakbo saka ko siya hinarap. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang huminto ako pero hindi ko iyon pinansin. Hinayaan ko ring tumulo nang tuloy-tuloy ang luha ko at wala akong pakialam kung nakikita niya kung paano ako nasasaktan ngayon.

“Wala lang? Sa nakikita ko, hindi iyon wala lang. I saw you kissing her back! I saw you trying to pull her closer na para bang nakukulangan ka pa sa halik na binibigay niya sa’yo! Hindi ako tanga, Angelo!”

Lumapit siya sa akin at sinubukan niyang hawakan ako pero nagpumiglas ako sa hawak niya. I saw the pain in his eyes when I did that but right now, I just don’t care about anything.

“Please, pakinggan mo muna ako,” aniya.

Hindi nakaligtas sa akin ang amoy ng alak mula sa bibig niya nang magsalita siya pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako nasasaktan ngayon. Gusto kong malaman niya kung anong ginawa niya sa puso at isip ko ngayon.

“No! You listen to me!” I said. “Alam ko naman ‘yong pagkukulang ko sa’yo. Alam ko naman na hindi na kita nabibigyan ng oras, na hindi na kita napagbibigyan sa gusto mo. Pero kailangan mo ba talagang gawin sa akin ito? Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo lang! Kahit hindi ko gustong mawala ka sa akin, palalayain kita kasi alam kong hindi na kita napapasaya. Maiintindihan ko pa kung ganoon, eh! Maiintindihan ko pa kung makikipaghiwalay ka na lang sa akin kasi nagsawa ka na sa mga paulit-ulit kong dahilan. Pero anong ginawa mo?”

Nakita ko ang pangingilid ng luha niya pero wala akong pakialam. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko magawang maawa sa kanya. Mas naaawa ako sa sarili ko kasi nasasaktan ako nang ganito.

“Bea, I’m sorry. If you’ll just listen to me, I’ll tell you everything you need to know. Magpapaliwanag ako. Mali ‘yong nakita mo,” aniya.

“Mali? Kitang-kita ng dalawang mata ko kung anong ginagawa niyo, Angelo, tapos sasabihin mong mali? Hindi malabo ‘yong mata ko para sabihin mong mali ‘yong nakita ko,” humihikbi kong sabi.

“But it’s not what you think. Hindi ako nagtataksil sa’yo. Mahal kita. Hindi ko magagawa iyon sa’yo.”

“Nagawa mo na nga, eh!” naiinis kong sabi. “Nagawa mo na akong pagtaksilan, Angelo. Alam mo, akala ko naiintindihan mo ako. Akala ko naiintindihan mo ‘yong sitwasyon ko. Pero akala ko lang pala. Sana pala hindi na lang ako na-guilty noong ilang beses kitang tinanggihan dahil mas gusto kong mapabuti ang lagay ng kapatid ko. Sana pala hindi na lang kita iniyakan sa tuwing alam kong disappointed ka sa akin. Sana pala mas pinili ko na lang na matulog agad gabi-gabi kaysa ang magpakapuyat kakaisip kung ano ang ginagawa mo o kung kumusta ka. Sana pala hindi na lang kita minahal!”

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now