Twenty-Three

3.3K 72 3
                                    

Chapter 23
Gone

**

Hindi pa rin lumalabas ang doktor mula nang pumasok ito sa loob ng emergency room. Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa pag-aalala sa kapatid ko. Tahimik naman sa isang tabi si Lolo habang si Daddy naman ay kinakalma si Mommy.

I’m still praying and hoping that nothing bad will happen to Eunice and her baby.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nakaupo at naghihintay nang biglang lumabas ang doktor mula sa emergency room. Tumayo ako at mabilis namang lumapit sina Mommy sa doktor.

“How is she, Doc? Kumusta ang anak ko? Ang baby?” sunod-sunod na tanong ni Mommy.

Bigla akong kinabahan nang makita ko ang reaksyon sa mukha ng doktor. Looks like something bad happened.

“Your daughter’s fine. Sa ngayon, kailangan niya munang magpahinga,” sagot niya. “As for the baby, I’m sorry. The baby’s gone.”

Napatakip ako sa bibig dahil sa narinig. May mga sinabi pa ang doktor pero hindi ko na iyon masyadong naintindihan dahil paulit-ulit sa isip ko ang huli niyang sinabi. Tuloy-tuloy na rin ang pagtulo ng luha ko at wala akong ibang nagawa kundi ang mapaupo na lang.

The baby’s gone. How am I going to tell that to Eunice when she wakes up? How am I going to tell Niel that their baby is gone? How are they going to handle it?

I’m sure they can’t handle it. Pamangkin ko pa rin ang batang iyon at kahit hindi pa siya nailalabas sa mundo, minahal ko na siya kaya masakit din para sa akin na wala na siya. Ako nga lang na hindi naman ina ng bata ay nagkakaganito na, paano pa silang mga magulang?

Hindi ko kayang harapin si Niel ngayon para sabihin sa kanya ang nangyari sa anak nila. Natatakot ako. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Maybe I’ll tell him tomorrow. For now, I’ll calm myself and pray for the baby’s soul. Ipagdadasal ko rin na sana ay malagpasan ito nina Niel at Eunice sa oras na malaman nila ang nangyari.

Iyon nga ang ginawa ko matapos naming bisitahin si Eunice sa kwartong inilaan para sa kanya. Sandaling umuwi sina Lolo at Daddy para kumuha ng gamit sa bahay habang kami naman ni Mommy ay naiwan sa ospital.

Himalang tahimik si Lolo matapos ang nangyari. Pero nang titigan ko ang mga mata niya kanina, nahalata ko ang pagsisisi sa mga iyon. It looks like he learned his lesson now. Alam kong hindi niya naman gustong mapahamak si Eunice at ang bata. But because of his uncontrolled anger, the baby is gone now. At hindi na niya iyon maibabalik pa.

Kinabukasan ay hindi pa rin nagising si Eunice. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya nagigising pero ang sabi ng doktor, marahil ay dahil lang iyon sa shock na nakuha nito dahil sa nangyari. She’ll eventually wake up soon. And when she does, we must be there for her to comfort her.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa bedside table nang biglang tumunog ang cellphone ko. Angelo is calling. Ngayon ko lang naalala na dapat ay mag-uusap kami kagabi pero dahil sa nangyari, nawala na sa isip ko ang lahat.

Nagpaalam ako saglit kay Mommy para lumabas at sagutin ang tawag. Nang makalabas sa kwarto ay saka ko kinausap si Angelo.

“Angelo…”

“Bea…”

“I’m sorry. Hindi na ako nakatawag kagabi. May nangyari kasi—“

“Yeah. I already know that. Actually, Niel called me last night and told me that you took Eunice to the hospital. How is she by the way? Is the baby alright?”

Nakagat ko ang labi ko nang marinig ko ang tanong niya. Now that he mentioned Niel, I suddenly remembered that I need to talk to him. Napabuntong-hininga ako.

Label: Best FriendsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ