Seventeen

3.3K 82 5
                                    

Chapter 17
Pregnant

**

“Ate, kumusta kayo ni Kuya Angelo?”

Natigilan ako nang marinig ko ang tanong ni Eunice. Hindi agad ako nakasagot.

Nandito kami ngayon sa garden ng bahay namin at nakaupo sa isang bench. Gabi na at pagkatapos naming mag-dinner kanina ay niyaya niya akong magpahangin. Pumayag naman ako dahil kahit nasa iisang bahay kami ng kapatid ko, hindi ko na siya madalas makausap dahil parehas kaming busy sa trabaho.

Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti.

“Okay naman kami,” sagot ko.

“Bakit hindi na siya bumibisita rito sa bahay? Huli ko siyang nakita ay noong reception ng kasal mo. Nag-away ba kayo?”

Again, hindi na naman ako nakasagot agad. Paano ko ba sasabihin na mula nang ikasal ako, hindi na kami naging ganoon kalapit ni Angelo? Paano ko sasabihin na may nagbago na sa aming dalawa?

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang ikasal ako at mula noon, hindi na naging maganda ang pakikitungo namin ni Angelo sa isa’t isa. Well, hindi naman kami nag-aaway. Pero masasabi kong iba iyon sa dating kami. We’re treating each other as normal officemates when we’re inside the office. Kapag nasa labas naman, parang normal na magkakilala lang kami.

One week after my wedding, Niel’s grandfather died. Ni hindi pumunta si Angelo sa burol ni Lolo Kiko. Nakita ko lang siya noong libing pero nasa malayo lang siya. Hindi rin siya nagpakita kina Mommy at Daddy o kaya kahit man lang kay Eunice. Tingin ko nga ay wala rin talaga siyang balak magpakita noon. Swerte na lang siguro ako dahil nakita ko siya. Pero hindi ko rin naman siya nakausap.

Napabuntong-hininga ako at napaiwas ng tingin.

“Sa totoo lang, okay naman kami pero parang ang layo na namin sa isa’t isa,” sagot ko kay Eunice.

“What do you mean?” she asked. Malungkot akong ngumiti at tumingin sa kanya.

“He told me he’s in love with me, Eunice.”

“What?!” nanlalaki ang mga matang bulalas niya. “Umamin na siya?”

Napakunot-noo ako. “Huh? Anong ibig mong sabihin? Did you know about his feelings for me?”

Napakamot siya sa ulo at napaiwas ng tingin.

“Well, it’s obvious. Kahit hindi niya sabihin, nahalata kong gusto ka niya. It’s obvious that you both love each other. Ayoko lang makialam kaya hindi ko sinabi. Besides, I think it’s inappropriate if I’ll be the one to tell you about his feelings for you.”

Napatango-tango ako. Well, she has a point. Mas maganda nga naman na malaman namin ang nararamdaman namin sa isa’t isa nang personal kaysa malaman pa sa iba. Kahit naman ako, hindi magiging kumportable sa ganoon.

“Anyway, what happened after that?” she asked.

I shrugged. “It’s just like what I said. Sira na ang pagkakaibigan namin. Pagkatapos naming malaman ang tungkol sa nararamdaman namin para sa isa’t isa, naramdaman ko na ‘yong unti-unting paglayo niya sa’kin.”

“Sa tingin ko, hindi ganoon ang mangyayari kung maaga niyong nalaman ang tungkol sa nararamdaman niyo para sa isa’t isa. You both love each other. Siguro kung dati pa ninyo nalaman ‘yan, siguro maayos pa rin kayo at baka mas naging matibay pa ang relasyon niyo.”

“Maybe. Too bad, it happened when it’s all too late,” I replied. Huminga ako nang malalim at saka ko naramdaman ang pagtulo ng luha ko. “Alam mo, Eunice, pagkatapos kong malaman ‘yon, mas lalo kong sinisi ang sarili ko kung bakit hindi ako gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Dahil sa nangyari, nasaktan ko siya. Bakit ba kasi kailangan naming malaman ang nararamdaman namin para sa isa’t isa kung kailan huli na ang lahat?”

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now