Twenty

3.9K 85 3
                                    

Chapter 20
Ligaw

**

Naging mabilis ang pag-aasikaso namin sa annulment. Dahil kaibigan ni Angelo ang lawyer na nakuha namin, mas lalong naging mabilis ang lahat. Maliban sa magaling ang abogadong iyon, marami rin siyang koneksyon kaya mas nauna na iyong maasikaso.

According to my research, it usually takes six months to one year bago ma-annul ang isang kasal. Minsan nga, tumatagal pa iyon. Pero dahil kay Atty. James kami humingi ng tulong, sinusubukan niyang matapos iyon sa loob ng tatlong buwan.

Habang hinihintay namin ang magiging hatol sa amin ay nagpatuloy na muna kami sa kanya-kanya naming buhay. I've been trying to take care of Eunice whenever I'm at home. Ganoon din naman ang ginagawa ni Niel pero as much as possible, mas gusto kong ako ang nag-aalaga sa kanya dahil ayokong mahalata nina Mommy at Daddy o ng kahit sino sa bahay na may namamagitan sa kanilang dalawa.

It's hard, yes. But I'll do anything for my sister.

As for me and Angelo, after our small talk, we've been trying to hang out again as friends. We're taking things slowly and so far, we're both doing okay. Medyo awkward pa rin minsan pero minsan ay idinadaan na lang niya sa biro ang lahat para pareho kaming matawa. Dahil doon, gumagaan ang pakiramdam ko.

Today is Lara's birthday. Kasalukuyan kaming nasa isang kilalang restaurant ngayon para mag-dinner kasama siya. Libre raw kasi niya so siyempre, sumama na kami. Besides, hindi niya kasi makakasama ang boyfriend niya ngayon dahil busy raw ito sa trabaho. Dapat nga ay wala raw itong pasok ngayon tulad namin dahil Sabado naman pero may deadline raw kasi itong hinahabol. Babawi na lang daw ito bukas kaya kami na lang muna ang makakasama ni Lara ngayon.

"Sige na, guys. Pili lang kayo ng gusto niyong kainin. Ako na ang bahala," sabi ni Lara nang makaupo kami. Napapalakpak naman si Luis sa narinig kaya napalingon kami sa kanya.

"Sabi mo 'yan, ah? Susulitin ko 'to," aniya.

"Go ahead. Hindi naman siguro ako mamumulubi, 'no?" natatawang sabi ni Lara.

Napalingon ako kay Angelo nang iabot niya sa akin ang hawak niyang menu. Kinuha ko iyon at agad na tumingin ng masarap na makakain.

"Anong kakainin mo?" tanong ko kay Angelo habang nakatutok pa rin ako sa menu.

Parang ang sasarap naman lahat. Parang gusto kong order-in lahat pero siguradong hindi ko naman mauubos iyon. Besides, kawawa naman si Lara kapag in-order ko lahat.

"Kung ano na lang ang sa'yo, ganoon na lang din sa'kin," sagot niya. Napanguso ako saka ko inilapit ang menu sa kanya.

"You help me choose, then. Ang hirap pumili, eh. Mukha kasing masarap lahat."

Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman kong mas lumapit siya sa akin. Nasa isang pahabang upuan kasi kami kaya madali niya iyong nagawa. Iniangat niya ang menu para makita namin iyon. Nagmukha tuloy kaming nagtatago sa likod ng menu sa itsura namin ngayon.

Ano ba naman 'yan! Hindi ba siya aware na iba ang epekto niya sa'kin kapag ganito siya kalapit? Ang bilis-bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kanya.

"Kung wala kang mapili, bakit hindi na lang lahat?" tanong niya habang nakatingin sa menu. Napakunot-noo ako at napalunok.

"Gago ka ba? Kawawa naman si Lara kung ganoon. Saka hindi ko mauubos iyan lahat, 'no."

He chuckled. "I'm just kidding. Stop cursing."

Magsasalita pa sana ako pero pareho kaming natigilan nang marinig naming magsalita si Jay.

"Anong ginagawa niyong dalawa?"

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now