Twenty-Two

3.4K 70 8
                                    

Chapter 22
Think

**

It’s been a week since Mom and Dad finally knew about Eunice’s condition. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang ma-annul ang kasal namin ni Niel. At hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Lolo ang tungkol sa mga nangyari.

Everyone in the family already knows what happened, except Lolo. We’re still finding the right time to talk to him. Medyo busy pa kasi silang dalawa ni Daddy sa trabaho nitong mga huling araw. Sa ngayon, habang naghihintay sa tamang tiyempo ay patuloy akong nagdadasal na sana ay maging maayos ang pakikipag-usap namin sa kanya.

Kasalukuyan akong nasa labas ngayon kasama si Angelo. Actually, he asked me to go out on a date with him. Pero hindi ko alam kung ano bang kaibahan ng paglabas namin ngayon sa paglabas namin dati bilang magkaibigan.

Maybe it’s the fact that we both know now that we’re on a date. Dati kasi, ako lang ang nag-iisip na nagde-date kami. At least ngayon, pareho na kaming aware na nagde-date kami.

Hindi ko nga lang alam kung matatawag ngang date ito dahil kung ano ang ginagawa namin dati pag lumalabas kami, ganoon din ang ginagawa namin ngayon. We’re doing what we usually do as friends. Watching a movie, eating, looking for something to buy, or just simply walking inside the mall.

Pero kahit ganoon, hindi na lang ako magrereklamo. Basta kasama ko siya, okay na ‘ko kahit ano pa ang gawin namin.

“Are you bored? Do you want to do something else?” I heard him ask while walking. Nilingon ko siya.

“Ano namang gagawin natin?”

He shrugged. “I don’t know. Na-realize ko lang kasi na ginagawa lang naman natin ‘yong madalas na ginagawa ng mga nagde-date.”

“Okay lang naman sa’kin. Hindi naman ako nagrereklamo. Ikaw ba? Ayaw mo ba ng ganito?”

“Hindi naman sa ganoon. I’m okay with anything as long as I’m with you,” he said which makes my heart flutter. He smiled. “But there are still things I want to do with you.”

“Like?”

“Like… travelling together. Should we plan a trip or something?”

Bigla naman akong na-excite sa sinabi niyang iyon. Mabilis akong tumango at ngumiti.

“Gusto ko ‘yan! Saan tayo pupunta?” tanong ko. Ngumiti siya.

“Let’s talk about that later. Sa ngayon, i-enjoy muna natin ang araw na ito,” aniya bago hinawakan nang mahigpit ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad sa mall.

Inihatid din ako ni Angelo sa bahay pagkatapos ng araw na iyon. We decided to talk about our first trip together before going to sleep. Ngayon pa lang ay hindi ko na mapigilang isipin kung saan kami pupunta.

I can’t help it. I’m so excited!

Pagkatapos kong mag-dinner kasama ang buong pamilya ay nagpasya akong manood na muna ng TV. Maaga pa naman. Pwede namang mamaya ko na kausapin si Angelo. I still have a lot of time. Mahaba pa ang gabi.

Sa kalagitnaan ng panood ko kasama sina Eunice ay nagulat na lang kami nang biglang tawagin ni Lolo sina Mommy at Daddy. Hindi ko na sana papansinin iyon dahil baka may pag-uusapan lang sila tungkol sa kompanya pero nang makita ko ang hawak ni Lolo ay agad akong naging alerto.

Is that a pregnancy test?

“What is it, Pa?” Mom asked.

“Kanino ba ito? Kay Bea ba ito? It says positive,” aniya bago ipinakita sa amin ang pregnancy test na hawak niya.

Label: Best FriendsKde žijí příběhy. Začni objevovat