2: New Place to Hide

5.8K 106 2
                                    

*knock knock* 

Yan ang gumising sa akin. Mahinang pagkatok sa pinto. Tinignan ko naman ang alarm clock ko sa side table.

7:20 AM. Sino namang istorbo ang kakatok sa pinto ko ng ganitong oras? Ni mama ko nga hindi ako ginigising ng ganitong oras eh! Sino ba yan?

Pupungas pungas pa ako ng tumayo ako para pagbuksan ng pinto ang kung sinoman ang istorbo sa napaka gandang tulog ko.

Kinakasal pa naman kami ni bey sa panaginip ko.

"Bakit?" tanong ko ng hindi dumidilat ang mata. Naramdaman ko naman ang pag halik niya sa pisngi ko, "Anong problema mo at --- BEY!" bakit nandito to?! "Anong ginagawa mo dito?!"

He laughed, "Mukhang antok na antok pa ang baby ko ah. Maligo ka na po, may pupuntahan tayo ngayon." he said then winked at me.

Oh my gosh! Nakakatunaw! 

"Saan naman?" hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko. "Antok pa ko e. Anong oras na ako naka tulog kanina." reklamo ko.

"Sabi naman kasi sayo eh, wag mo ko masyadong iisipin. Yan tuloy." he really is conceited, isn't he? "Dali na." tinulak na niya ako papasok sa pinto ng banyo ko.

"Oo na! Hmp" sinunod ko na lang siya. Baka magtampo, maghanap pa ng iba. Aba, makapatay pa ko pag nagkataon.

Ginawa ko na ang mga dapat gawin ko. Nag ayos ng mabuti. Nagpaganda. Kailangan ko to, panlaban sa mga malalanding mahilig mang agaw ng boyfriend ng may boyfriend. In short -- KABIT/MANG AAGAW.

Matapos akong mag ayos, lumabas naman na ako ng banyo para lang maabutan ang aking Daniel sa loob ng kwarto ko.

"Labas." alangan naman kasing mag bihis ako sa harap niya no. Aba, maria clara pa din to kahit papano.

"Ayaw." tinaas ko ang isang kilay ko, "Di ako maninilip, promise." tuluyan ng sumama ang tingin ko sa kanya, "Fine fine. To naman, ayaw pa pagbigyan." padabog siyang lumabas ng kwarto ko. Sinarado ko naman ang pinto at siniguradong naka lock ang pinto.

Loko talaga yung lalakeng yun. Walang magawa sa buhay. Buti pa ako, meron. Ang mahalin siya. 

Maya maya lumabas na ako. Naabutan ko siyang nakikipag kwentuhan kay mama at papa.

"Ayan na pala si Kath eh." puna ni mama. Nilingon naman ako ni Daniel at tumayo siya. Naglakad palapit sa akin.

Ang swerte ko naman! Gwapo niya eh! Hihi. 

"Ganda talaga ng bii ko." bati niya sa akin, "I love you." 

I smiled, ang sweet niya! "I love you too."

"Tama na yan, baka maubos langgam dahil sa inyo eh." pang aasar ni papa sa amin, "Daniel, iuwi mo ng maaga tong anak ko ha? Hindi umaga."

They both laughed, "Di na ko bata ma." singit ko.

"Oo na. Mag ingat kayong dalawa."

Matapos naming mag paalam sa kanila, lumabas na kami ng bahay. Dala pala niya ang pinaka mamahal niyang sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" ayaw pa kasi sabihin eh. May pa-secret secret pa.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya, "Wag nang makulit bii. Sakay ka na lang." tinulak niya ako ng mahina papasok ng sasakyan.

His ForeverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora