5: Unforgettable

3.8K 86 3
                                    

KATHRYN'S POV: 

Nakakainis pala talaga pag broken hearted ka no? Puso mo lang nasaktan, buong katawan mo apektado. Parang ako... tinatamad na namang kumilos. Ni lumabas ng kwarto ko, di ko na magawa.

Bakit namimiss ko siya?

"Kath?" sinabi ko nang ayaw ko eh. Ano ba naman. Tsk "Hoy Kathryn! Lumabas ka nga diyan! Paka emo ka na naman eh. Move on na, 2 weeks ago na yun uy." oo nga no? 2 weeks na pala.

Tuluyan ng pumasok ang walangya kong kapatid sa loob ng kwarto ko kahit di ko pinayagan. Aba. Kailan pa nagpapigil yan?

"Aga aga nambubulabog ka." nakasimangot kong sinabi sa kanya. Aba. Araw araw na lang ba niya ako guguluhin dito sa kwarto ko?

"Kung ayaw mong mabulabog, o edi subukan mo namang lumabas. Enjoy life, be happy!" ang dami atang possitive energy nitong babaeng to eh.

I sighed, "Sana ganun kadali yun ano?" umupo ako sa kama ko, siya din naman ay lumapit at naupo sa tabi ko.

"Madali lang yan. It's all in the mind!" ngumiti naman siya ng pagkalawak lawak, "Hayaan mo na siya. Dun siya masaya eh." nagsimula na namang mamuo yung luha ko. "Hep! Utang ng loob Kathryn, wag ka namang umiyak sa harapan ko! Masasapak kita, makita mo!" this girl is really insane.

I smiled, "Kailan kaya ako mapapagod?" niyakap ko yung unan ko na nasa tabi ko, "Kasi sawang sawa na ako eh." 

Narinig ko ang mahinang yabag papasok sa kwarto ko, papalapit sa amin. Siguro si mama na naman to.

"Tama na nga yan. Ang panget mo na nga, mas pumapanget ka pa pag nagdadrama." agad kong itinaas ang ulo ko.

Oh my God. Is this for real?!

"Kambal!" agad agad akong tumayo at niyakap siya. Sa kanya ako umiyak... as usual.

"Bakit ba tuwing nakikita kita, parating ganito? Malungkot ka na naman." niyakap niya din ako ng mahigpit, "Sino bang nagpaiyak sayo ha? Mapapatay ko yang walang kwentang lalakeng yan eh! Paiyakin ka ba naman?!" natawa ako ng mahina.

Nababaliw na nga ata talaga ako. 

Bumitaw na ako sa yakap, "Wala to." pinilit kong ngumiti. "Okay lang naman ako eh." 

Si Krane -- kaibigan ko since nung umalis ako ng Pinas. Kambal ang tawag ko sa kanya dahil hindi kami mapaghiwalay nun sa school. Yes, kaklase ko siya dun. Siya lang kasi ang Pinoy na naging kaklase ko nun eh.

"Sus. Wala daw." ang sabi pa nito na umiiling iling pa, "Ako pa niloko mo. Kambal nga tayo diba?" 

Bago pa ako makasagot, "Kailangan ko na bang um-exit? As in now na?" nilingon namin ang naka simangot na kapatid ko, "Nakaka out of place kayo ha, in fairness." 

Sabay kaming natawa ni Krane. Para talagang magkadikit ang mga body organs namin. Astig nga namin eh. Never kaming naghiwalay.

Di katulad nung samin ni Daniel. 

"O, tumatawa ka lang kanina tapos ngayon nalulungkot ka na naman." hinila ako ni Krane paupo sa kama, katabi ni Francesca. "Ano ba talagang meron dito?" 

Umiling ako. Di na niya kailangang malaman. Sariling problema ko na yun.

Tinignan naman niya si Francesca, kaya ganun din ako. I signaled her na wag sasabihin kay Krane yun. Pero ang loka, hindi inintindi yung gusto kong sabihin.

His ForeverHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin