24: Hurting Once Again

2.9K 70 2
                                    

"You don't need to go there, Kathryn!" sigaw ni Francesca sa akin, "Martyr ka ba talaga?!" siguro nga likas akong martyr. Kasi gusto ko pa din siyang makita kahit na alam kong masasaktan at masasaktan pa din ako.

"Tama ka, martyr nga ako." yan na lang ang nasagot ko. Totoo naman talaga eh, martyr ako.

"Let her be. If that what she really wants." singit ni Krane sa usapan naming dalawa, "She needs time to accept the truth that he was not her property now." he's so cold to me. Siguro pagod na siyang intindihin ako.

O talaga lang na hinahayaan niya akong makapag move on.

Francesca sighed in disbelief. "Whatever." tinalikuran niya na ako. Umalis na din si Krane. Siguro naman kakayanin ko to diba? It won't hurt... maybe?

Pumunta ako sa park dahil dito daw kami magkikita nina Julia. Ewan ko kung hanggang saan ko kakayaning makita silang magkasama. Ah basta, gagawin ko na to hanggang sa mapagod ako.

***

"Kanina ka pa?" nakita ko kasing naka upo si Daniel sa bench at mukhang kanina pa naghihintay doon. "Sorry kung natagalan." si Francesca kasi, ayaw akong paalisin.

"Hindi naman ganon katagal. Okay lang naman." ngumiti ito. Ugh! How I missed his smile. "Upo ka dito o." tinapik niya yung tabi niya.

Bago pa man ako maka sagot ay natanaw ko nang paparating si Julia, wearing her super revealing clothe. She's sexy, I know.

Nung napansin ni Daniel na natigilan ako, lumingon siya. Agad siyang tumayo para salubungin si Julia. Ang sweet naman.

Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Nasan sasakyan mo?" ang sweet na tanong nito, "Don't tell me nag commute ka na naman? Diba sinabi ko na sayong sabihin mo sakin pag wala yung sasakyan mo at nang masundo kita?" he's concern, I can feel it.

Dati lang sa akin siya ganyan, ngayon sa iba na.

"Hi there Kath!" bati nito sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit.

Nasasaktan na naman kasi ako.

Pero wala eh, ito ang pinili ko. Kailangan kong harapin ang consequences ng actions ko. Kaya ko to, ako pa.

"Hello." lumapit na silang dalawa sa akin. Pinilit kong itago yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi nila pwedeng malaman. "Bakit niyo nga pala ako pinapunta dito?" 

"Teka, dun na lang tayo mag usap." tinuro niya yung maliit na parang bahay pero swing siya. Tumango lang ako at nauna na silang mag lakad sa akin papunta dun. Sinundan ko na lang sila.

Dapat pala ako ang nauunang mag lakad. Masyadong torture dito eh. Magka holding hands kasi silang dalawa at sweet na sweet habang naglalakad.

Nakakainggit.

Nang makadating kami sa napili nilang lugar na pag uusapan namin, agad akong umupo. Hinintay kong makapag ayos sila sa pagkakaupo bago ako nag salita.

"May idadagdag kasi ako sa design ng gown ko." nagpantig ang tenga ko. Bakit hindi na lang nila itinext?

"Sana tinext o itinawag niyo na lang sa akin." para kasing nang aasar lang silang dalawa. Ano to, magpapaka torture muna ako? Letse

"Mahirap kasi pag sa tawag o text lang." biglang singit ni Daniel. Natahimik ako. Bakti pag siya na ang nag salita, hindi ko an magawang tumanggi o umangal pa? "Hindi maipapaliwanag ng maayos." tumango na lang ako at piniling tumahimik.

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon