10: Why Do I Still Love You?

3.5K 79 6
                                    

FRANCESCA'S POV: 

"Malungkot na naman siya." bungad sa akin ni Krane pagkalabas ko ng kwarto ko. "Ano kaya ang pwede nating gawin?" nahahalata kong malungkot siya para kay Kathryn.

Tinitigan ko naman siya ng matagal, "Are you in love with my sister?" kasi diba, hindi naman siya ganyan katindi kung mag alala at magmalasakit kay Kath kung hindi niya mahal diba? Imagine, kailan lang sila naging mag kaibigan.

"Hindi no!" denial king ang peg nito, e no?

Tumawa naman ako, "Okay. Sabi mo eh." di ko na lang siguro siya aasarin baka kasi mainis yan sa akin eh.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone kaya tinignan ko kung sinong tumatawag, si Quen pala. Lately di ko na to nakakausap. Nakay Kathryn kasi ang attention ko ngayon eh.

"Sagutin ko lang to ha?" tumango naman siya at iniwan ko na siya na nakatunganga sa labas ng pinto ni Kath.

Magkaharap lang kasi ang kwarto naming dalawa kaya madalas dun siya nagtatambay -- sa pinto ng kwarto ni Kath. Matindi ata ang tama niya sa kapatid ko eh.

"Hi hon!!" sigaw ko at malamang ay sumakit na naman ang tenga niya.

"Ang active mo naman masyado!" sabi niya sabay tawa, "Kamusta na? Okay na ba si Kath?" alam niya yung tungkol kay Kath dahil sinabi ko.

"Ayun, malungkot pa din siya. Naaawa na nga ako sa kapatid ko eh. Masyado na siyang nasaktan, simula pa nung mga bata kami. She deserved to be happy pero parang pinagkakaitan siya ng tadhana."

"Panigurado naman mawawala din yang sakit na nararamdaman ni Kath ngayon. Siyempre fresh pa sa kanya yung mga pangyayari. It takes time." 

I sighed, "Sana nga. Nakakaawa kasi talaga siya. Minsan nga parang ayaw ko na siyang tignan eh." Again, I sighed.

"Let us just hope for the best. Malay mo naman sooner or later, okay na siya." 

"Francesca, si Kath." nilingon ko naman si Krane na nag aalala. Tumango lang ako at nag sign na susunod ako.

"O kailangan ka na ata. Tawag na lang ulit ako okay?" gusto ko pa sana siyang kausapin eh. Tsk.

"Sige. Sorry hon. Late na lang ulit, bye!" agad kong pinatay yung tawag at sumunod kay Krane.

"Nasaan siya?" tanong ko agad ng makita kong dumiretso si Krane sa loob ng kwarto niya. "Hoy, asan siya?" dire diretso siyang pumunta sa veranda at huminto dun.

"Ayan o." tinignan niya yung baba kaya nilapitan ko siya.. only to see her again, crying while holding her phone.

KATHRYN'S POV: 

Gusto ko siyang kausapin, sobra. Kahit sa phone lang, masaya na ako. Pero bakit hindi niya makuhang sagutin yung tawag ko? Handa naman na akong kausapin siya eh.

Ganun na ba siya ka-busy kay Julia para hindi niya masagot yung mga tawag ko? 

Pinunasan ko yung mga tumutulong luha ko. Ang sakit sakit na.

"Bakit ba kahit sobrang sakit nung ginawa mo sa akin, bakit mahal pa din kita? Bakit ba kahit  na iba na ang mahal mo, minamahal pa din kita? Ang unfair naman. Mahal kita kahit hindi mo na ako mahal." kahit na tapos na yung pag ring ng phone niya, sinabi ko pa din ito. Dahil alam ko namang hindi niya naririnig.

"Ang unfair mo Daniel, sobra. Mahal na mahal kita eh... Ano bang nangyari sa atin?" patuloy ang pagtulo ng mga luha ko, patuloy din ako sa pagpunas sa mga luhang iyon.

His ForeverWhere stories live. Discover now