7: Walking Away

3.5K 81 10
                                    

"Okay ka lang ba talaga?" medyo naiirita na din ako kasi kanina pa niya ako tinatanong niyan. Para kasing nang aasar lang eh.

"Oo nga! Nakakainis ka na." inirapan ko siya.

Kahit na alam kong seryoso siya sa tanong niya na yun, medyo naiirita pa din talaga ako. Ang tanga ko lang na di malamang sila pala yung tinitignan ko kanina.

"Sigurado ka ba diyan?" inis na tinignan ko siya.

"Tsk. Labas na nga Krane!" kanina pa kami nakauwi at ngayon ay nasa kwarto ko kami ngayon. Nandito siya para lang kulitin ako kung okay ba talaga ako.

"Ikaw na nga tong inaalala, ikaw pa tong nagagalit. Tsk" tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama ko, "Sige, magpahinga ka na lang." tumalikod na siya at palabas na ng kwarto.

Somehow, I felt guilty. 

"Sorry..." I said almost a whisper. Hindi ko naman kasi maatim na magalit sa akin ang kaisa-isang bestfriend ko na nag stay sa tabi ko, lalong lalo na ngayong kailangang kailangan ko ng masasandalan. "Sorry Krane..." yumuko ako at tuluyan ng umiyak.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at mahinang paghagod sa likod ko.

"Tama na yan, okay lang naman. Naiintindihan ko." mas lalo na akong naiyak sa mga pinagsasabi niya.

Bakit kaya ganun? Kapag alam mong may nagcocomfort sayo, mas lalo kang naiiyak? Automatic na? Parang tanga lang kasi.

"Tama na nga ang iyak kambal. Sabi nang pumapanget ka lalo eh." natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit o paano, pero natawa na lang ako.

"Baliw. Kambal nga tayo eh. Ibig sabihin, ganun ka din." bumitiw na ako sa yakap at nagtawanan na lang kami.

Nakakagaan naman ng loob. 

"Matulog ka na nga. Lumalaki na eyebags mo o." sabay turo niya sa may ilalim ng mata ko. Pinalo ko naman ito na syang ikinatawa niya, "Osya, good night panget kong kambal. Wag nang iiyak ha? Dito lang ako o." he smiled one last time at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko matapos patayin ang ilaw.

I'm such a lucky person having this guy as my best-ever-friend. 

***

"Lalabas ka ngayon?" tumango ako, "Samahan na kita." hindi siya pwedeng sumama ngayon, swear!

Nginitian ko lang siya, "Wag na. Kaya ko naman na mag isa eh." tumango lang siya at ngumiti.

"Ingat ka." binuksan na niya yung pinto ng bahay at lumabas naman na ako.

"Oo naman." 

 Umalis na ako ng tuluyan... mag isa.

San nga ba ulit ako pupunta? Kaasar! Umalis alis ako sa bahay ng di ko alam kung saan ako pupunta? Pambihira!

Makapag mall na nga lang. Shet! Loner ako ngayon! Nakakainis!

At Mall. 

Pinasok ko na lahat ng stalls para bumili ng bumili ng bumili ng damit. Waaaa. Sorry Krane! Kawawa ang credit card mo sakin ngayon!

I just need to be stress-free today!

Kinuha ko kasi kanina ng palihim yung credit card niya sa kwarto niya. Hahaha! Kaya nga di ko siya pinasama dahil malalaman niya eh. Mahirap na. Maudlot pa ang shopping day ko.

His ForeverWhere stories live. Discover now