26: Never Grow Up

2.7K 72 9
                                    

Kathryn's POV: 

Kanina pa ako pagulong gulong sa higaan ko. Hindi talaga ako mapa kali hanggat hindi ko malalaman kung ano yung dapat na sasabihin ni Daniel kanina sa akin bago na putol yung sentence niya dahil sa Julia na yan. Napaka ganda nga naman talaga kasi ng timing ng bruha na yun.

Pero paano ko naman malalaman ng hindi ako mag mumukhang desperada or something sa harapan niya? Bwisit naman kasi o!

"Para kang tanga diyan, alam mo ba yun? Kung hindi, pwes alam mo na ngayon." tuluyan akong nahulog sa higaan ko ng biglang mag salita ang magaling kong kapatid. "Tignan mo na ang katangahan mo sa buhay?"

Tinignan ko siya ng masama, "Kanina ka pa diyan?!" tumango ito, "Eh bakit hindi mo sinabi agad? Nang gulat ka pa. Nahulog tuloy ako. Bwisit naman." tumayo na ako mula sa pagkaka hulog ko sa sahig dahil sa biglaang pag sulpot ni Francesca sa kwarto ko.

Ang bait niya, sobra. And please! Note the sarcasm here.

Tuluyan ng pumasok ito sa loob ng kwarto ko at umupo sa kama ko kahit wala pang paalam. Tumabi na lang ako sa kanya.

"Ano na naman ang drama mo sa buhay at may paikot ikot ka pa sa kama na nalalaman aber?" hindi ko alam kung talaga lang na may split personality to o kung ano. Kanina lang ay inaaway ako sa hindi ko alam na dahilan tapos ngayon ay para na siyang concerned sister? "Hep, wag ka nang sumagot. Mukhang alam ko na din naman eh. Si Daniel na naman yan no?"

"Tama ka." tumango tango ako, "O e ano ngayon sayo yun?" inirapan ko siya. Akala niya ba e okay na kami? Ba, masama pa din ang loob ko sa kanya ano.

"Aba siyempre, gusto kong marinig yung mga katangahan ng kapatid ko sa pag ibig." sabay irap sa akin. "O ano na? Kwento na!" 

"Eh ganito kasi yun..." ikinuwento ko ang mga pang yayari, lahat lahat. Detailed pa dahil yun ang gusto niya. "O yun na yun. Guso ko nga siyang maka usap eh." nanlaki ang mga ata niya.

"Don't you dare!" may himig pag babantang sigaw nito, "You will just regret talking to him about that, I swear!" bakit ba parang takot ito na ewan? Ano naman kaya ang problema nito.

"Even without your consent, I'll talk to him." mariin kong sagot sa kanya. "Since when did you care for me, huh?"

"Since forever." she answered as cold as ice, "You should grow up now Kathryn. Walang patutunguhan yang katangahan mo."

"I think I'll never grow up... lalo na pag ang pinag uusapan ay si Daniel Padilla." 

***

Nakapag desisyon na ako, tatanungin ko ang katuloy ng dapat ay sasabihin ni Daniel kahapon. Hindi naman ako makaka payag na hahayaang mamatay ako sa pagka curious no.

Huminga ako ng malalim at nag simulang mag type ng message sa kanya.

To: Daniel Padilla 

Let's meet today. Where are you? Puntahan kita.

Sent! 

May pagka desperada nga siguro ako, idagdag mo pa ang pagka martyr ko. Pero wala eh, I want him all for myself.

Saka, malay ko ba naman kasi kung hindi lang ako nag aassume kasi totoo pala. Wala namang masama kung gawin ko ito.

I won't get killed if I trust my heart this time.

His ForeverWhere stories live. Discover now