18: Emotionless

3.1K 76 2
                                    

"Let's call on to the person who is behind of all this beautiful and awesome designs, miss Chandria Bernardo!" narinig ko ang palakpakan ng mga tao, at ito na din ang cue ko sa pag labas. Kinakabahan ako, oo. Ngayon lang ako haharap at ipapa kilala sa mga tao bilang designer.

Hindi na ako nag abala pang ngumiti bago lumabas. Nag lakad lang ako sa mahabang runway at pumunta sa dulo kung saan naka tayo ang emcee ngayon.

Tinignan ko ang paligid, ang daming tao. Nakita ko pa nga si Krane. Teka, anong ginagawa niyan dito? Akala ko pa naman may trabaho tong lokong to ngayon.

"Where did you get the inspiration in making these beautiful and awesome designs, miss Bernardo?" ngumiti sa akin ang emcee.

Everyone is waiting for my response. "It just came out in my mind." I simply answered.

"Oh... it's a talent perhaps!" ang masayang sinabi ng emcee kahit na halatang na shock siya sa ipinakita kong attitude. At and disappointment sa mukha niya dahil sa maikli kong sagot.

Matapos ng mahaba habang sinabi ng emcee, natapos na din ang fashion show sa wakas. Tahimik lang ako mag damag, wala lang siguro talaga ako sa mood mag saya ngayon.

"Let's go?" ang naka ngiting salubong sa akin ni Krane. Tumango lang ako at inaya na siyang sumakay sa sasakyan niya.

I am tired, really.

Hindi rin nag tagal ay inihinto niya ang sasakyan. Nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Do you have a problem? Or anything that you wanted to share with me?" I know he is concern about me. Hindi naman yun maipagkakaila. Halata naman sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. "Kanina ka pa kasi tahimik. And I never saw you smiled today." 

Nagkibit balikat ako, "Krane, hindi porke hindi ako ngumingiti ay may problema na ako agad. Pagod lang ako. Yung lang yun. Nothing more." binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at bumaba na.

Bakit ba masyadong big deal sa kanya kung may problema ba ako o wala? Okay lang naman ako a. Wala na ba akong right para tumahimik ngayon? Parang tanga lang kasi.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay mag pahinga. Nakaka pagod na kasi. Ewan ko ba kung bakit, pero tila sobrang pagod ko nitong mga nakaraang araw.

Kinaumagahan.

Tulad ng dati, nandito lang ako sa bahay. Wala akong ibang gagawin e. Walang photoshoot ngayon dahil nga katatapos ng fashion runway kahapon. At bukas ay interview.

Isa lang naman ang ibig sabihin nito. Free day ko ngayon.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nagugutom na ako.

'Kumain ka na. Iinit mo na lang ito sa microwave. Nag luto ako bago umalis. Baka gabihin ako ng uwi ngayon. - Krane' 

Wala pala ngayon si Krane? Hay.. mag isa ko na naman ngayon dito sa bahay. Ano na naman kayang gagawin ko dito? Shet! Ang boring naman eh!

"Makapag shopping na nga lang!" 

Naligo na ako at nag ayos. Matapos ay nag cab na lang ako papunta sa mga stalls ng kilalang mga brand ng damit.

Habang nag titingin tingin ako ng damit...

"Couz?! Is that you?!" lumingon ako sa may ari ng boses. Napakunot noo ako, teka sino to? "Halla! You already forget me? Waaaaa! Kathy naman eh!" 

His ForeverWhere stories live. Discover now