34: Acceptance

3.1K 77 5
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?" kanina pa ako tanong ng tanong kay Francesca pero di niya ako sinasagot. "Matapos mo akong kaladkarin sa kung saan, hindi mo ako kikibuin? Hustisya please!" matapos ko kasing makapag ayos -- tulad ng sabi niya -- kinaldkad na niya ako palabas ng bahay.

"Manahimik ka nga muna diyan bago ka mag reklamo." ay taray ni sister! Grabe ha! Paanong hindi ako mag rereklamo dito e ang layo na ng nilalakad namin! Di ba pwedeng sumakay ng kahit anong kind of transportation?

Ang paa ko. Huhu 

Pinili ko na lang na hindi na makipag talo. Ano pang use nun kung ayaw naman akong pansinin ni kapatid? Hay nako naman.

"O, ginagawa natin dito?" nandito kasi kami sa parang mini house or whatever. Basta di ko ma-get. "Magbabahay bahayan ganon?"

"Umupo ka na nga lang." sinunod ko naman siya. Baka magalit eh mag mukhang monster.

Pagka upo ko, biglang namatay yung mga ilaw. "Brown out ba?" wala namang sumagot sa tanong ko. Ano palang meron? May shooting kaya?

Maya maya ay nag on yung maliliit na lights. Tapos pag tingin ko sa paligid ko ay wala akong kasama. Asan na kaya yung kapatid ko? Waaaa! Iniwan niya ako!

Tumayo na ako at akmang lalabas ng kung saan mang lugar na ito nang may tumawag sa akin. Nilingon ko naman ito. Ah! Yung bruha pala.

"Anong ginagawa mo dito? Invited ka?" papaka tapang ako, bat ba? Brokenhearted ako eh.

"Kath.. pwede ba tayong mag usap?" mag usap? Jusko, anong pag uusapan? Si Daniel ba? Letche! "Maupo ka muna please.." at dahil nga dakila akong tanga at uto uto, ayun, ginawa ko yung sinabi niya.

"Ano bang pag uusapan natin?" hindi ko maiwasang maging bitter yung tono ko. Aba, sino bang hindi? Eh nakapang kasal pa ang bruha. Ano to, asaran ganon?

"About Daniel." sinasabi ko na nga ba eh! Anong gusto niyang palabasin? Walang hiya! Grabe na ang pagka torture ko dito ha! Bwisit!

"What about him? He's already yours, right? Kaya wag kang mag alala, wala akong balak maging kabit." inirapan ko siya. Ang bruha, magke kwento pa tungkol dun? Sira ata ulo nito eh.

"Hindi yun," ang tila hirap na hirap na sa pagpa paliwanag. Teka, nagpa paliwanag nga ba siya? "For once naman Kath, mag usap naman tayo ng matino. Kailangan ko na tong sabihin sayo. Mabigat na sa dibdib eh." aniya. Bakit, tingin niya ba hindi mabigat sa dibdib yung pang aaway ko sa kanya? Best friend ko, niloko ako? Masakit yun para sa akin.

"Mabigat sa dibdib? Aba! Eh paano yung akin? Walangya, ilang taon akong nag hirap ha! Tapos gusto mo pag usapan natin yan? Grabe! Wow talaga! Tingin mo ganun lang kadali yun Julia?!" tinatagan ko ang sarili ko. Hindi ako pwedeng maiyak ngayon. "Sariling best friend ko... trinaydor ako. Hindi ganun kadaling tanggapin yun." 

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Bakit ganun? Bakit kahit anong gawin niya, bakit parang unti unti ng lumalambot yung puso ko para sa kanya?

"Please Kath.. hear me out." kailangan ko bang pakinggan siya? Paano kung puro kasinungalingan na naman yun? Papahirapan ko na naman ang sarili ko?

Mariin akong umiling. "No, I won't listen to your lies once again. So please, aalis na ako." tumayo ulit ako pero nahawakan niya ang braso ko, "Let me go." I demanded.

His ForeverWhere stories live. Discover now