15: The Come Back

3.3K 87 10
                                    

"OH MY GOD YOU ARE REALLY HERE!!" Francesca shouted.

"Hey, don't shout. Nasa harapan mo lang ako o. Loka to." I said between laughs, "Kamusta bakla?" 

"Okay lang naman. I really missed you!" tapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Umaga ako naka dating sa bahay at nagulat talaga sila nung makita ako. Actually si Francesca ang nag open ng door kaninang umaga habang nagkakamot pa ng ulo at naka pikit pa.

"Oh I missed you more!" bumitaw ako sa yakap at nilapitan si mama na naka ngiti lang, "Ma, namiss kita. Sorry po dahil hindi ako nag paramdam ng more than 2 years." niyakap ko siya. Naglalambing lang naman.

"Hmp. Okay lang yun. Matitiis ba naman kita e anak kita? Mahal pa kita. Pano naman yun?" hinarap niya ako at niyakap din. May pinagmanahan nga ata talaga ako.

"Sus si mama, naglalambing." tumawa lang naman siya, "Si papa po pala?" wala kasi siya dito pagkadating ko eh.

"Ay nako, sayang nga at di kayo nagkapang abot. May business trip e baka bukas o sa susunod na araw pa ang balik." tumango lang ako. "O sya, mag luluto na ako ng pang umagahan. Maiwan ko muna kayo dito." 

Umalis naman na si mama at nag punta sa kitchen. Kaming dalawa naman ay naupo sa carpet at nag simulang mag chikahan.

 "Ano na? Pupunta ka na ba ng alumni homecoming sa saturday?" ang masayang tanong niya sa akin.

"Do I have a choice? Pinauwi na nga ako ng bruhong Krane na yan eh. Siya pa nag empake ng gamit ko. Malamang e pupunta ako." inirapan ko siya ng pabiro. "Saka, matitiis ba naman kita?" 

"Yun naman eh!" halata ang pagka excite sa mukha ng kapatid ko, and it made me happy. "Hay nako. Kailangan nating mag shopping for that alumni homecoming. Dapat stand out ang kagandahan mo sa lahat no!" tumayo siya at tumakbo papunta kay mama. Siguro ay magpapaalam ito.

Napailing na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko. Kailangan talagang mag handa? Sa saturday pa yun eh. The day after tomorrow. Masyado atang atat tong kapatid ko sa pagsha-shopping. O baka naman ginamit niya lang na dahilan ang alumni homecoming para makapag lagalag siya? Nako naman.

At the mall. 

"Here. Wear this." iniabot niya sa akin ang isang red white sexy dress.

Umiling ako, "No no no. That's too... revealing. I won't wear that, ever." pag tanggi ko. Masyado kasing sexy though hindi naman kita lahat. Open kasi ang likod.

"Gaga! Fashion designer ka diba? Dapat may fashion sense ka! Ganda kaya nito!" 

"Fine then," kinuha ko naman ito sa kanya para wala ng mahabang usapan, "I'll wear it." 

---

Malapit ng mag simula ang alumni homecoming at ngayon ay nag hahanda na kaming dalawa ni Francesca.

Sanay akong ayusan ang sarili ko dahil nga sa mag isa ko ng ilang taon. Hindi mo naman maaasahan si Krane dahil lalake siya.

"You done? Let's go. We're  running late." aya sa akin ni Francesca.

Nilingon ko siya at tinanguan, "Yes." I looked at the mirror and tried to fix my hair once again.

I am a little bit of nervous. 

His ForeverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ