13: Isn't A Goodbye

3.2K 74 1
                                    

"Hello... ma?" grabe naman o! Sinabi ko nang wag akong tatawagan eh. Tsk. Kaasar! Siguro si Francesca na naman ang dahilan!

"Nasaan ka?" nagulat ako nang ibang boses ang narinig ko. "Sumagot ka nga!" God! Bakit?! Bakit siya ang may hawak ng phone ni mama? Bakit boses niya ang naririnig ko?

"Shane.." bakit nasa kanya ang phone ni mama? Bakit siya? Bakit? "Nandito ako sa New York ngayon eh." Shane! Shocks! Totoo bang siya itong kausap ko ngayon? O baka naman bunga lang ito ng kadramahan ko sa buhay?

"Okay." agad niyang ibinaba yung tawag. Anong meron?

Bigla akong kinabahan. Mukhang alam ko na ata ang susunod na mangyayari.

***

"KATHRYN! LUMABAS KA NGA DIYAN! KAAAAAATH!" nabulabog ako sa biglang sigaw ng kung sino mang tao sa labas ng pinto namin at nag eeskandalo. Ako lang kasi mag isa dito ngayon sa bahay dahil maagang umalis si Krane.

Dali dali ko namang binuksan yung pinto para tignan kung sino yung nag eskandalo... only to see her standing in front of me. 

"Shane.." ang nanlalaking mata kong saad, "A-anong ginagawa mo dito?!"

"Anong, anong ginagawa ko dito?! Letse ka Kath! Ano tong nalaman ko kina Cesca ha?!" niyugyog niya ako sa magkabilang balikat ko. "Tsk! Nakakapang init ka ng ulo!" binitawan niya ako at dire diretsong pumasok sa loob ng bahay dala dala ang bag niya.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko matapos kong makalma ang sarili ko dahil sa gulat, "Hindi ka man lang nagpasabi. Sana nasundo kita sa airport." pinilit kong magsawalang bahala sa mga nangyayari. Meron na kasi akong clue kung anong ginagawa niya dito, at kung anong pinunta niya dito.

Umupo ako sa harapan niya, nakita ko pa ang pag taas ng isang kilay niya. Nakakatakot talaga siya, lalo na pag naiinis o galit. Monster ata siya sa past life niya.

"Wag ka ngang mag kunwari na parang wala lang sayo yung nang yayari ngayon, Kathryn! Wag pa inosente pwede?" hindi ako sumagot, "Ano na naman ba tong nabalitaan ko ha?! At may paalis alis ka pa ng bansa! Anong drama yan?! Sana naman diba, sinabi mo muna sa akin!" galit na galit siya, halata naman sa tono ng boses niya ngayon at sa facial expression niya.

"Shane naman..."

"Anong Shane naman mo diyan! Wag mo nga kong maganyan ganyan Kathryn ha! Alam mong di ako nakukuha sa ganyan!" napa yuko ako. Nakakatakot siyang magalit. "Halla! Mag paliwanag ka sa akin!" 

Huminga ako ng malalim bago mag salita, "Ano bang gusto mong malaman?" dahil hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.

"Lahat!" 

I sighed in defeat, "We -- Daniel and I -- broke up... because of Julia." siguro naman nandyan na lahat ng pwedeng ipaliwanag ko diba?

"Then you decided to go here in New York instead of facing that f*cking problem?! Oh please!" *sarcasm overload*

"Shane Camille! Can you just listen to me first?!" ang naiinis kong sigaw sa kanya. Kanina pa kasi siya sigaw ng sigaw e nakaka irita na.

Itinaas niya na naman ang isang kilay niya, "Fine. Go on." umayos na siya ng upo.

"I decided to go here because I am trying to move on. Hindi ko hinarap yung problemang yun dahil hindi ko pa kaya. Pero sinabi ko bang sumusuko na ako sa laban? No! Babalik ako, soon. Hindi ko lang alam kung kailan, pero alam kong babalik ako." huminga ako ng malalim, "At isa pa, I have a job here. Natanggap lang ako kahapon. So hindi ko yun basta basta pwedeng iwanan. Okay na ba yun?" 

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon