22: We Meet Again

2.9K 78 3
                                    

Napa tulala ako saglit dahil nakita ko ulit ang mga ngiti niya, pero agad din naman akong naka bawi. I smirked, “We met again… Mr. Padilla.” Halata ang pagka gulat sa mukha ko. Natutuwa ako sa kanya. “I assume that you still remember me.” Saka nag bago ang itsura at pananamit niya.

“Uh…” nakita ko ang bahagyang pag siko sa kanya ni Julia. Napa ngiti ako dun, “Yes, of course Kathryn.”

“Mabuti kung ganun.” I smiled once again, “So Julia, dahil nandito naman na si Daniel, pwede ka na bang mag bigay ng idea kung anong gusto mong ilagay ko sa gown mo? Pati na din ang sizes and all such.”

“Can we… order something?” ano kayang problema nitong malanding ito? Ang dami pang kaek-ekan sa buhay eh.

“Oh please. Just tell what you want. I’m a busy person, you know.” Tinignan ko ang nakatulalang si Daniel, “I still have a date.”

“I thought you’re single?” ang takang tanong ni Julia sa akin. Halatang nilalaglag niya ako kay Daniel. Baka takot?

I smiled, “Oh dear.” I looked at her intently, “Oo single ako… pero sinabi ko bang wala akong suitor?”

Pasimple akong nag text kay Krane.

To: HandsomeKrane (hindi ako nag lagay niyan, si Krane ang salarin)

Can you please drop by here and save me from hell? Pretty please?

Sent!

Sana naman mabasa nung Krane na yun ang text ko! Please lang, ayoko na dito. Nabubwisit ako.

Maya maya ay nag vibrate ang phone ko, mukhang nag reply siya. Naks naman! Agad agad ah. So sweet! Lol.

From: HandsomeKrane

Where is hell? Down there? No way. Baka maisipan pa ni Lucifer na patayin ako dahil mas gwapo ako sa kanya. Hahaha. Kidding! Saan ba? Pupunta ako.

Napa ngiti naman ako pagka basa ko sa message niya. Ang loko lang talaga ni Krane. At talagang naisipan pang idamay si Lucifer ano?

“Ehem.” Nabaling ang tingin ko sa tumikhim. Naka tingin lang sila sa akin at tila may hinihintay.

“Oh I’m sorry. Ano na nga ba ulit yung pinag uusapan natin?” ang naka ngiti kong tanong. Kung kanina ay medyo badtrip ako, ngayon okay na ako. “Ay teka pala.”

Nag type na ulit ako ng irereply ko sa kanya. Sinabi ko lang ang exact location ko at ang reply niya? Isang napaka habang K. Kaasar lang diba?

“Okay na ba?” ang tila naaasar na si Daniel.

Tinignan ko naman siya at ngumiti ako ng mapang asar, “Oo naman. Sobrang okay.” Diin ko sa salitang okay. “Ano na nga ulit yun?”

“Ganito nga pala yung mga gusto kong idagdag mo…” blah blah blah. “Okay lang ba yun? Kaya mo ba?”

“Oo naman. Kayang kaya ko yan no. Para ano pa at inirekomenda ako ng boss ko sa inyo kung hindi ko din naman pala kakayanin yang pinapagawa mong gown?” Hindi siya agad naka sagot ng biglang may tumabi sa akin. “OMG Krane!” napa yakap ako sa kanya sa sobrang tuwa. Letse! Buti dumating siya my gosh!

“Whoah, easy!” ang tatawa tawa nitong tugon, “Sup guys?” tanong nito saka ako inakbayan. Ganyan nga Krane. Hihihi

His ForeverWhere stories live. Discover now