27: You're Not Sorry

2.6K 69 8
                                    

Naka rinig ako ng yabag papalapit sa akin, agad agad kong pinunasan ang mga tumulong luha sa mga pisngi ko.

Ang sakit namang makitang nag hahalikan silang dalawa.

Handa na sana akong umalis nang narinig kong tinawag niya ang pangalan ko, "Kathryn? Is that you?" ay hindi, picture lang to. Promise.

Nilingon ko sila at ngumisi, "Obviously, it's me." hindi ko tinatanggal yung pagkaka ngisi ko kahit na deep inside, gusto ko ng mag eskandalo dito dahil sa pag indyan sa akin ni Daniel. "Fancy meeting you here." kahit na sinadya kita dito, gago ka.

Tinignan ko yung braso ni Daniel na naka akbay sa balikat ni Julia. Kaya pala hindi ako sinipot dahil dito sa malanding ito. Siguro talagang naka radar ito at pinuntahan si Daniel para hindi kami makapag kitang dalawa.

"What are you doing here by the way?" ano nga ba? Dahil pinuntahan kita dito, pinag hintay mo ako. Gagong to. Sapakin ko kaya to?

Lihim akong napa irap sa tanong nito. Talaga bang manhid lang to o ano? Nakaka asar na siya, sobra. Bakit ba ang manhid niya?

"Bibista sana ako sa old friend ko na naka tira dito kaya lang nakaka istorbo ata ako sa kanila. Kaya uwi na lang ako." ipinag diinan ko ang salitang 'old friend' dahil siya ang tinutukoy ko doon. Ewan ko lang kung di pa niya makuha.

Nakita ko namang mas lalong idinikit ni Julia yung katawan niya kay Daniel. Ang kapal ano? Di ko naman aagawin. Kanyang kanya, pareho naman silang gago eh. Meant to be sila.

"Kami ba ang tinutukoy mo?" ang naka taas kilay na tanong sa akin ni Julia.

'Kalbuhin ko kilay mo eh. Tignan natin kung makapag taas ka pa ng kilay pag ginawa ko yun.' Kahit na gusto kong isa tinig ito, hindi ko magawa. Magmumukha akong talunan pag nagkataon. At ayaw kong mangyari yun lalo na kapag naka harap ang bruha.

"Hindi pa ba obvious?" ngumiti ako sa kanila, "Nga pala, uwi na ako. Pumunta lang naman ako dito para sabihing malapit ng matapos yung gown mo," tinignan ko si Julia, "Wag kang mag alala. Babagay sayo yun. Cream yung kulay ng tela na gagamitin instead of white. Para di masyado kita yung dumi kung sakali." kinindatan ko siya at saka tinalikuran sila.

Mga walang hiya! Tagal kong nag hintay tapos ano? May ginagawa na pa lang milagro kaya hindi naka rating sa usapan namin. Akala ko pa man din ay malinaw na yun.

Di pa man ako nakaka layo ay nag salita siya, "Ang sweet mo naman. Talagang personal mo pang sinabi." mahahalata ang sarcasm sa salita niya.

That made me stopped, "Sweet talaga ako. Eh ikaw? Ah, siguro bitter." tuluyan ko ng nilisan ang lugar na yun.

Masakit nga talaga pag pinaasa ka ng taong mahal mo... lalo na ang pinag hintay sa wala.

***

"Sandali lang!" nasaan ba kasi ang mga tao dito sa bahay at bakit walang nag bubukas ng gate? "Sandali lang sabi eh! Di ka ba maka intindi?!" sigaw ko ulit. Masyado na kasing nato-torture yung doorbell namin. "Ano ba-- what are you doing here?!" nakatayo si Daniel sa harapan ko. Siya pala yung walang hiyang nang torture sa doorbell namin.

"Kath, can we talk?" bungad nito.

"About what?" itinaas ko yung isang kilay ko, "Nakokonsensya ka na ba dahil sa pag indyan mo sa akin kahapon?" I crossed my arms. "Don't worry, wala lang sa akin yun. Di kawalan. Sige, makaka alis ka na." isasarado ko na sana yung gate nang iharang niya ang kamay niya para pigilan ito. "Bakit na naman ba?" 

"Mag usap nga kasi tayo."

"Wala nga tayong dapat pag usapan."

"E kung meron?"

"O edi meron. Pero hindi pa din ako makikinig kaya umalis ka na dahil mag sasayang ka lang ng laway mo." tinalikuran ko na siya. "Paki sara na lang ang gate pag naisipan mo ng umalis dito." 

Pero dahil maraming beses ata itong ipinanganak, sinundan pa din niya ako kahit na ayaw kong makipag usap sa kanya.

"Makinig ka na lang kasi, pwede?" huminto ako. Pag bibigyan ko na ba to? E baka puro kasinungalingan lang na naman ang sasabihin nito. Dun siya magaling eh.

"May iba pa ba akong choice?" inirapan ko ito, "Dun tayo sa labas. Baka mapuno ng pollution tong bahay namin dahil sayo. Ayaw kong mang yari yun." 

Nauna na akong nag lakad palabas ng bahay namin. Bahala na nga. Papakinggan ko na lang siya, tutal naman yun lang ang sinabi niya eh. Ang makinig ako sa kanya. At paniguradong hindi ako titigilan nito hanggang mapa payag ako.

Napag desisyonan ko ng mismong labas ng bahay kami mag usap. Gaga ko no? Pero okay lang yan, ginusto niya akong kausapin eh.

"Dito talaga tayo?" ang kunot noong tanong niya sa akin. "Bakit dito?" ang di maka paniwalang saad niya.

"Ayaw mo? Ba, di wag tayong mag usap. Ganun lang kadali yun." tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya yung braso ko para pigilan, "Arte pa kasi. Sige na, simulan mo na kung anong sasabihin mo. Ayokong nag hihintay ng matagal." 

"Gusto ko lang malaman mo na..." itinaas ko yung kilay ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin, "Na.." 

Third Person's POV: 

"Saan ka na naman nang galing?" bungad ni Julia sa kadarating lang na si Daniel ngunit binalewala ito ng huli. "Sa kanila na naman ano?" pangungulit pa din ni Julia habang sinusundan pa din si Daniel. "Matuto ka ngang sumagot pag kinakausap kita!" ang hindi nakapag pigil nitong sigaw.

Dahil dun ay napa hinto sa pag lalakad si Daniel at nilingon ito. Walang makikitang ekspresyon o emosyon man lang sa mukha nito. Purong blangko.

"Matuto ka ding makiramdam, Julia. Hindi lahat ng tao sa paligid mo ay kaya mong kontrolin o manipulahin. Ibahin mo ako sa kanila." ang malamig na tugon nito.

Nagulat si Julia sa inasal ni Daniel sa kanya. Ibang iba na ito. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya dito.

Unti unting tumulo ang mga luha niya sa mata, hanggang sa nag sunod sunod na ito ng pag bagsak.

"Nasasaktan ako... alam mo ba yun?" patuloy ang pag hikbi nito habang sinasabi yun, "Bakit ka ba ganyan sa akin Daniel? Can't you just understand that I'm jealous?" yumuko ito at tinakpan ang mukha gamit ang kayang mga palad. "I'm jealous about Kathryn, can't you feel it?" patuloy pa din ang pag hikbi nito.

Maya maya ay naramdaman niyang pilit itinataas ni Daniel ang kanyang ulo para tignan ito sa mata. At napag tagumpayan naman ito ng huli.

"Ano ka ba, wala kang dapat ika selos kay Kathryn. Past na siya, ikaw na ang present. Diba?" nanumbalik ang pagka sweet sa boses nito... pati na din ang pag aalala. "Kinausap ko lang naman siya eh. Yun lang yun." 

Niyakap siya nito. Patuloy pa din ang pag agos ng mga luha sa mga mata niya.

"Hey, tama na." sabi nito ng may pag hagod pa sa likod niya. "I said stop crying. I love you, okay?" 

Ngumiti siya.

Wala pa din talagang makaka talo sa acting skills niya. 

-------

Gusto kong magsunod sunod ng update pero baka hindi ko magawa. Pero susubukan ko pa din para naman walang mabitin or something.

Hi to my new found friend! Hihi

Follow me on Twitter: @viancanonymous

His ForeverWhere stories live. Discover now