Chapter 4: Batman & Tyler

413 9 1
                                    

Chapter 4: Batman & Tyler

~Alli~

“Tyler, ipapakilala kita kay daddy ha.” I mumble.

“Oomph!” Tyler choked on his pasta and quickly drank some water. “What?”

 “Ipapakilala kita kay daddy at kay Kuya.” I repeated.

“May kuya ka pa?”

“Oo, si kuya Angelo.”

“How old is he?”

“He’s 21.” Sagot ko, and nanahimik na lang siya. “Tyler, gusto ko legal ang relationship natin.”

“No, ayoko.” He says.

Ayaw niya?! Hindi ako makapaniwala sa sagot niya! Gusto ko legal ang relasyon namin dahil ayokong ayoko nagtatago ng sikreto kay kuya, lalo na kay daddy! I bit my lip, feeling really mad right now. I’m trying every inch of me to stop myself  na mag burst out na lang ako bigla at makipag away sa kanya. I take a deep breath and—

“Why do I need to introduce myself to your father anyway?” He interrupts.

 “Don’t you guys in Canada do that?” I asked.

“Nope.” He answers. “What’s your dad’s occupation?”

“Chief of Police, he’s a cop.”

“Uh, oh...” Tyler says, swallowing a gulp in his throat.

And then a long silence came in...

“Osige, sige! I’ll do it, magpapakilala na ko.”  He says, with his hands up for surrender.

I gave him a smile up to my ears, “Talaga?”

“Oo! Basta pag sinagot mo na lang ko, that’s when I’m going to meet your dad.”

“Ano?!”

“Yeah! Kelan mo nga pala ako sasagutin?”

“Ano?!”

“Ang sabi ko, ‘kelan moko sasagustin?”

Kaya ako nag sabi ng ANO dahil I was giving him another chance to change what he just said!

“H-hindi ko pa alam—“

“Ah, sige basta maghihintay ako para sayo, Alli, don’t make it too hard for you.” He sweetly tells me looking at me straight in the eyes, showing those pearly whites of his just makes me want to melt down and just—

“So, how about sa prom na lang mo ko sagutin para mas madali na lang sayo?”

SERIOUSLY?!

~HEART~

The February air starts to smell in the atmosphere, as well as the smell of the most unforgettable moment of a high school student’s life...it’s the Junior and Senior’s Prom. And as the leader of the dance club, I’ll be making the steps para sa prom.

Meron na akong prom date, his name is Ed. Isa sa mga members ng dance club, we’ve been friends since I got here. Nag oo na lang ako kasi siguradong hindi ‘niya’ naman ako tatanungin sa prom eh dahil its obvious si Alli na ang prom date niya.

Me and Alli decided na sabay kaming pumili ng dress para sa prom. Dahil wala rin siyang makakasama dahil ang daddy at kuya niya ay walang ka taste-taste sa fashion. Bui pa ko!

 “Oo nga pala, sa J.S. ko na sasagutin si Tyler.” Sabi sakin ni Alli while we’re at the girl’s comfort room.

“Ha?!” Sagot ko, “I mean, uh, ba’t parang ang bilis?”

“Eh yun din naman ang bagsak pagkatapos niyang manligaw diba?”

“Alli, kahit na.” Paliwanag ko sa kanya, “Alam mo na ba talaga ang totoong ugali niya?”

“Uhm, oo naman.” She nodded.

I sighed, “Alli, hindi mo kelangang mag madali, okay?”

“Eh ano pa ba ang choice ko?” She begins, raising up her voice. “Heart, alam mong walang guy na may guts na mangligaw sakin, kahit makipag usap nga sakin wala eh diba? Dahil ako si Allison Prieto, ang top of the class nerd, walang gustong makipag usap sa kanya, laging nagtatago sa tao, at lampa-lampa pa!  At lalo na, ako si Alli na tatanga-tangang nag confess kay Derek Santiago dati!”

I just kept quiet.

“Gusto ko nang mabura yung mga memories na yun, Heart. Dahil sobrang sakit na.” I see her eyes are getting red with tears. “That’s why yung niligawan ako ni Tyler, alam kong makakalimutan ko na lahat yun. Maalis na yung si ‘Alli The Nerd’. Eh pano kung mag-give up na lang siya bigla dahil sa kakahintay ng matagal? Pano kung umalis na lang siya bigla sakin? Ano, bahala na lang si Batman? Eto na yung chance ko para maalis ko yung dati kong image!”

Without a word from my mouth, I put my arms around her shoulder and hugged my best friend real tight.

Stolenजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें