Brown Out

272 12 3
                                    

-Lordessa-

Hadaling-hadali ako sa pagtakbo sa hallway para makapunta sa classroom.

Kingina malapit na kong ma-late.

I took a glance at my wrist watch to see what time is it. Shit.

Hindi na pala malapit, late na talaga ako.

Our class starts at 7:30 am, and it's already 7:34. Umaasa na lang ako na sana wala pa dun si Ma'am.

Huminto na ko sa pagtakbo at naglakad na lang. Tutal wala naman ng point kung tatakbo pa ko dahil late na rin naman ako.

Kasabay ng paglalakad ko sa hallway ang pagbagsak ng ulan. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasa dulo na ng hallway na iyon ang classroom namin, hindi ko na kailangan pang makipagsapalaran sa ulang iyon.

Nang makarating ako sa room ay kantyawan agad ang una kong narinig.

"Ayiieeeeehhhh, Andreeeee, one chew pala ahh."

"Oy si Stella kinikilig HAHAHAHA."

"Bad kayo, child abuse yan! Tignan niyo si Andre oh namumula na HAHAHAHAHA."

"President ang ingay nila ohh."

Kakarating ko lang ito na agad bumungad sakin?

"Lourdes lateeeeee" sabi ni Shannie.

"Oo, alam ko." Inis na sabi ko na lang.

"Hoyyyyyy!! Ba't ba ang ingay niyo dyan?" tanong ko sa kanila.

"Si Andre binata na!!"

Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan kong pahabain ang pasensya ko, nanggi-gigil ako sa section na 'to.

"Balakayojan."

Nagsitahimik ang lahat at nagsibalik sa kanya kanyang upuan nang dumating na si Ma'am Mendez.

"Good morning 8 Ðăłťōň."

Binati rin namin si Ma'am, nagcheck ng attendance at ngayon ay sinasabi naman ni Ma'am ang instructions para sa activity namin.

"Form a circle and go to the place you're comfortable at."

Umupo ako sa pwesto dun malapit sa bintana. Dumating na ang mga kagrupo ko and unfortunately, isa dun si Prino. Napamaang na lang ako ng tumabi pa siya sakin.

Di na ko nagtaka ng makita ko ang mga tingin nila na may malisya. Napairap na lang ako.

Lahat na lang ba gagawin nilang issue?

"Today we're going to discuss about mitosis. The questions that you need to answer are in the book.. page 246. You can also use your phone if you want to. Also, you need to pass it at exactly 8:20. You may now start."

Halos lahat ay nilabas ang phone nila.

Sakto pa talaga na wala akong dalang phone ah, ayos.

Buti na lang may sagot din sa libro kaya di rin ako masyadong nahirapan.

Malapit na kong matapos nang nastuck ako sa last question.

Huh? Di ko gets.

Tinignan ko ang mga nakasulat sa libro. Wala naman dito yung sagot?

Napatingin na lang ako ng may narinig akong nagpilas ng papel, si Prino pala.

"Tapos ka na?"

"Yeah."

"Nagets mo yung last question?"

"Yes, it's pretty easy."

Pretty easy eh di ko nga magets?

Napakunot na lang ako ng noo.

"Here, papel ko." tinignan ko ang papel na iniaabot niya, kopyahan ko kaya to?

Kinuha ko na lang yung papel, ba't ba kase ako pa yung leader?

"Kumopya ka na. Nahiya ka pa." nagulat ako sa sinabi niya.

Excuse me?

"Ha?"

"Halabyu." What.

Gago ba to?

"Oy guys narinig niyo yon? Ayiieeeeehhhh"

"Halabyu palaaaa."

"Iw mah eyesss, mah earssssss."

Napa-iling na lang ako. Ang bababaw nila.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagsusulat ng biglang namatay ang ilaw.

"Brown out?"

"Ang inittttttttt."

"Mas mainit pagmamahal ko sayo ayyiiiieee3e3ee3e3."

"Why is it so mainit in the Pilipinas ba kase?"

"Omaigad ang dilim ng mundo HAHAHAHAHAHA."

Di ako makapagsulat, madilim.

Manghihiram sana ako ng phone kay Shannie ng biglang may baliw na nagtutok ng flashlight ng phone niya saken.

Nang mapatingin ako, Prino na naman?

"Hoy anuba, masakit sa mata ah! Ba't ka ba naninilaw" asik ko.

"Eh sabi nila ang dilim daw ng mundo eh. Edi inilawan ko yung mundo ko."




---


- hestia

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now