Anime pt. 3

36 2 9
                                    

-rhea-

"Minzy, sumama ka sakin" sabay hatak sa babaeng nasa gilid ko.

Ano na ba ang nangyayari sa kanila? Nag-aalala na ako sa mga pinaggagagawa ng mga yon.

Pati yung mga walang kinalaman, nadadamay.

Pinapapunta daw ako ni Andre dun kaya kailangan kong pumunta para malaman ko ang totoong nangyari.

Lumabas kami ni Minzy na may dalang payong. Tig-isa kami.

Nakajacket na rin kami dahil sa sobrang lamig. Mas malamig pa sa convo nyo.

Tinahak na namin ang daan papunta sa may bus stop kung saan nandoon si Andre.

Habang papunta kami ay kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ng kasama ko.

"Bakit ba kasi kailangan pa nating puntahan yung ampon na yun?"

Nagsimula nanaman siya sa issue nilang dalawa. Onting-onti nalang maniniwala na ako na may gusto si Minzy kay Andre eh.

Kaso Andrella Forever eh.

"Malapit na tayo" sabi ko nalang sa kanya.

Natanaw ko na ang sinasabing bus stop ni Stella.

Binilisan ko ang paglakad ko dahil natanaw ko na doon ang lalaking lumayas sa rest house namin kanina pa.

"Buhay pa naman siya eh, balik na tayo" kulit ng katabi ko sakin.

Lumapit ako kay Andre na yakap-yakap ang kanyang binti. Ganyan ba talaga gawain ng mga malilit kapag mag-isa sila?

"Andre..." bati ko sa lalaking nakayuko.

Hindi ito kumibo kaya sinalat ko ito. Wala lang chineck ko lang kung buhay pa. Duh.

Mainit pa naman siya kaya niyugyog ko siya. Baka kasi nakatulog lang.

Ilang segundo na ay tinaas na nito ang ulo niya. Halata sa mukha niya na umiyak siya.

"Oy, ampon nong yari sayo?" hirit ni Minzy.

Hindi ito pinansin ni Andre kaya sumingit na ako.

"Ano ba nangyari sa inyo ni Lhander?" tanong ko.

"Ohmaygad, may nAnGyARi sa kaNiLa?!"

"Takte Minzy ano nanaman ba ang nahithit mo ngayon ha?"

"Pagmamahal ko sayo, yieeeee"

"Um, nandito pa ako."

Napalingon kaming dalawa ni Minzy kay Andre na nakatitig samin ng seryoso.

"Nandyan ka pala? Sorry di kita nakita eh" sabay irap.

"Hayst" yun nalang ang nasabi ko.

"Hoy, yung tanong ko di mo pa sinasagot" sabi ko kay Andre.

"Ano kasi...." huminga muna siya ng malalim bago ulit magsalita.

"Si Lhander kasi..."

"Anong si Lhander?"

"Ano...."

"Ano nga ampon?"

"Ano nga kasi..."

Okay, I lost my temper.

"ANO NGA KASI KANINA KAPA ANO NG ANO HA?!"

"KASI SI LHANDER NINAKAW YUNG CHIP POINTS KO!"

Ninakaw pala yung-

TEKA? SHEMS?!

DAHIL LANG DON NAG-AWAY SILA? SA BWISET NA CHIPS NA YUN?!

Please remind me na patayin silang dalawa.

Mababaliw ako sa dalawang to eh.

"Bumalik na nga tayo nanai" sabay hila sakin ni Minzy.

Ayoko pang bumalik doon, gusto ko munang maglakad. Lumingon ako sa paligid at may nakita akong 7-Eleven sa may malapit.

"Ayun oh! Punta muna tayo sa 7-Eleven!" sabay turo.

Tumayo na si Andre pero napansin ko na wala itong payong.

"Andre, sumabay ka na sakin" sabay lapit sa kanya ng payong ko.

Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Minzy sa tabi niya.

"Sayo nalang yung payong ko! Kay Rhea nalang ako sisilong!" sabay abot ng payong na gamit niya kanina.

Naglakad na kami patungo don. Pumasok kami at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

"Hello Ma'am and Sir, Welcome to Jollibee."

Lumingon ako at nakita ang cashier na nakangiti samin. Hayeop.

Hinarap ko ang dalawa kong kasama.

"Kumuha kayo ng gusto nyo, ako magbabayad"

"Paano yan, wala dito yung gusto ko"

"Stop it Minzy, hindi bagay sayo"

Umirap lang si Minzy sa kanya habang straight face parin si Andre.

Hayst, kelan ba sila magkakasundo.

Kumuha ako ng mga chips at mga softdrinks. Bumili na rin ako ng hot chocolate at siopao na asado.

Natanaw ko si Andre na may hawak na hot chocolate. Habang si Minzy ay may hawak na chocolate ice cream. Seriously?

Binayaran ko na ang mga binili ko at pumunta na kung nasaan ang mga kasama ko.

Nilalantakan na nila ang mga binili nila. Nang tumingin silang dalawa sakin ay biglang sumama ang tingin niya sakin.

"Seriously? Siopao talaga?" tanong niya sakin.

Natawa kaming dalawa ni andre habang siya ay nakatingin ng masama.

"Maglalayas na nga ako" sabay kuha ng lalagyanan ng kinakain niyang ice cream

"sige lumayas ka akin na yung pera na pinanggastos ko dyan" sabay lahad ng kamay ko

"Sabi ko nga joke lang" bumalik ulit ito sa kinauupuan niya kanina.

---

-Andre-

Kumatok ng tatlong beses si Rhea. Kakauwi palang namin at hindi pa naman masyadong gabi. Sadya lang na maitim ka. Peace tayo.

Bumukas ang pinto pagtapos ang mga katok at bumungad sa amin si Lhander.

"Oh, san kayo galing?" tanong nito

"Sa impyerno, ihahatid na kita. hOY BUMALIK KA DITO AT BABATUKAN LANG KITA" biglang tumakbo si Rhea pagtapos tumakbo ni Lhander.

Ang sakit kaya ng batok non sakin. Kahit ilang minuto na ang lumipas ramdam mo parin. Hindi tulad ng pagmamahalan nyo, nung nawala na, wala na talaga.

Pumasok na kaming dalawa ni Accident. Oof.

Nang pumasok kami ay biglang tumambad si Cessa na may natatakot na expresyon ang mukha.

"Oy... Si Stella....Nilalagnat...."

__________

-hestia

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now