Headache pt2

44 3 2
                                    

-Lordessa-

"Lordessa!"

"Takte!"

"Huy anong gagawin natin?!"

"Dalhin na sa Clinic! Bilis!"

"Tawagin nyo si Ma'am!"

---

Nagising ako sa malambot na kama. Nasilaw ako ng ilaw sa taas. Parang kinukuha na ako ng langit.

"Lordessa? Okay ka lang?" tanong ni Rhea na nasa tabi ko.

Katabi naman niya si Kilver.

"Medyo..."

"Dapat maging okay ka na! Kanina talaga parang nasa K-Drama lang yung nangyari!" masiglang sabi ng baboy.

"Ano bang nangyari?" hindi ko talaga nakita kasi biglang nagfade na yung paningin ko. Hayst.

Nang tinanong ko iyon ay bigla silang napangiti. Weird.

"Ganto kasi yun...." nagsimula na si Kilver

"Tenenententenenen..."

"Kailangan talaga may background music?"

"Kasama yun"

"Ituloy nyo nalang nga"

"Tentenenententenenen"

---

-Kilver-

Kanina pa nila ako inaasar dahil nahuli daw ako.

Bawal pinapagod ang mga cute na tulad ko!

Kakatapos lang ni Shannie na tumakbo. Buti nga sakanya kanina pa niya ako inaasar na huli ako eh siya rin naman!

tinignan ko naman yung dalawa na nauna sa kanya.

Nandoon si Maeya na umiinom ng tubig habang si  Lordessa parang masama yung pakiramdam.

Sakto naman na nasa tabi ko si Prino.

"Hoy! Prino puntahan mo nga si Lordessa tapos bigay mo tong tubig niya. Thanks"

Ang cute talaga ng relationship ng dalawang yun. Pero mas cute ako.

Tinitignan ko ang palayong imahe ni Prino hawak ang tumbler ni Lordessa.

Pero bigla nalang itong tumakbo at binitawan ang tumbler na hawak.

Sinundan ko ng tingin si Prino at nagulat nalang ako sa nangyari.

Hawak-hawak niya ang walang malay na Lordessa.

"Lordessa!" sigaw ko. Dahilan para magsitinginan ang mga kasama namin sa gawi nila.

HIndi na kinaya ng katawan nito kaya bumagsak na.

"Dalhin nyo sa Clinic! Bilis!" sigaw ni Maeya at pahkasabing pagkasabi naman niya non ay biglang binuhat nila Prino ito.

Pero hindi bridal style huhu

Papasan niya itong itinakbo. Nakita ko naman na sumunod si Rhea kaya sumunod na rin ako.

Extra cute baggage kumbaga.

Nakarating ako don at nasa higaan na si Lordessa habang nasa gilid nito si Prino.

Si Rhea naman ay kinakausap ang nurse.

"Kailangan may magbantay sa kanya. Mga dalawa siguro" sabi ng school nurse.

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now