Headache

45 4 3
                                    

-Lordessa-

Hindi ko alam trip ng magulang ko kung bakit pa ako pinapasok kahit nararamdaman ko na may sakit ako.

Kanina pa sumasakit ulo ko at gusto ko nang matulog.

Oras na ng PE kaya pinapalabas na kami para sa Activity namin.

"Hoy! Hindi ka pa ba lalabas?"

"Iwan nyo muna ako dito sa loob Shannie, susunod nalang ako"

"Sige"

Naramdaman ko na lumabas na sila.

Bakit pa kasi ngayon pa nangyari to?

"Hey, are you okay?"

Inangat ko ang ulo ko na nakayuko at nakita ang lalaking mukhang chinese kahit hindi naman. Syempre suot niya yung blue na glasses niya.

"Oo, kaya lumayas ka na." sabi ko.

Pero kesa lumakad papalayo ay umupo pa ito sa upuan ni Kilver na nasa kanang gawi ko.

"Here, take this. I'll wait" may kinuha siya sa bulsa niya. Nang makita ko ang orange na bagay na iyon ay kinuha ko na ang tumbler ko. Kinuha ko na sakanya ang hawak niyang Biogesic.

"Thanks"

"Let's go na" sabi niya at hinintay akong tumayo.

Nilock na namin ang pinto at naglakad papuntang stage, sa may harap ng oval.

Nakita namin sila na nasa taas nito na nagtatawanan.

Lumingon sa banda namin si Shannie at dahil dun ay lumabas ang mala siopao nitong pisngi dahil sa kanyang malawak na ngiti.

Napansin yata iyon ni Kilver kaya lumingon rin ito at napangiti rin.

Tila nauubo ito. Issue nanaman to.

"Lordessa! Prino! Sali kayo sa laro namin?!" sigaw ni Kilver samin.

Pero yung ngiti parin nasa pagmumukha parin nilang dalawa.

"Anong laro ba yan?" tanong ko.

"Papaikutin yung bote tapos kung sino matapatan ay bubunot  ng tanong mula sa box tapos sasagutin natin. Yung mga bubunutin nating papel ay mula samin. Sinulat lang namin yun kanina eh hehe" tinaas ni Minzy ang hawak-hawak niyang isang box na kasinglaki ng ulo niya.

Tumatalab na yata ang biogesic kaya sumali na ako. Tumabi ako kela Denden at Rence. Tumabi naman ang kasama ko kanina kela Andre at Rhea.

Bumunot si Andre sa box at binasa ang nakasulat sa nakuha niyang papel.

"Bakit ang kyut ko...?"

Nung sinabi ito ni Andre ay biglang ngumiti si Yuri. Siguro siya nagsulat non.

"Sagutin mo na!"

"I'm too handsome" sa sinabi ni Andre ay nagsitahimikan ang lahat.

Pinaikot nila ang bottle at natapat ito kay Prino.

Bumunot ito at biglang kumunot ang noo.

"Will you sacrifice everything for your love?" Basa nito.

Nagsingitian ang mga kasama namin.

"Kung sino man nagsulat non, mahal na mahal kita"

"I love You rin Fritia yieeeeee"

"Pinagpapalet mo na ako Rhea?!"

"Wala akong kRasS na inde nag uupdate"

"Sagot na Prino!" sigaw ni rain na nasa likod nito.

"Of course I will"

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now