Gay Repellant

81 7 4
                                    

-Zyron-

"Naiiyak na ko!!" sabi ko as I continuesly move my hands in a way na parang pinapaypayan ko ang sarili ko.

"Pfft, san mo ba kase nilagay yung portfolio ni Aaron?" nakakainis naman tong si Cessa, imbis na tulungan ako pinagtawanan pa ko.

"Ewan koooo." pinilit kong tumulo ang luha pero ayaw eh, bwiset.

"Yan kase. Ba't mo ba kasi naisipang kunin yung portfolio ni Aaron--" biglang tinignan ni Fritia si Cessa, nagusap sila gamit ang mata.

"Oh my god, Zyron ahh."

"Aaron palaaa."

I looked at them with disgust visible on my face. Such pathetic losers.

"Wala akong time para sa kalandian. Nakakainis lang talaga siya."

Tinanong ko si Rhea kung anong oras na at nagulantang ako ng sinabi niyang 8:57 na. 3 minutes na lang ComSci na.

Anong gagawin ko?!

"Zy, tara na." aya sakin ni Stella.

Napatingin ako sa kanila at nakitang nasa labas na sila ng room.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Napakagat labi na lang ako frustration na nararamdaman ko.

Nakakainis naman eh!!

"Sure ka? Pwede mo namang hanapin mamaya yan. Mag-explain ka na lang kay Aaron." sabi ni Yuri.

Tss, ako makikipag-usap sa baliw na yon? Asa boi.

"Pwede ba Yuri, wala akong time. Umalis na kayo!" napa-irap na lang ako sa inis.

"If you say so." nag-aalangan niyang sabi.

Napabuntong hininga ako at inalog ang bag ko para mahulog ang mga laman.

Hays.


-Aaron-

Naka-upo na ko sa pwesto ko sa may ComLab nang nagsidatingan ang mga kaklase ko. Nagtaka ako ng nakita kong may mga dala silang intermediate pad.

Wow, meron pala sila non?

"Bakit may dala kayong ganyan?" naka-kunot noong tanong ko.

"Sabi ni Sir sa GC magdala daw." sagot ni Lore.

"Okay."

Mag-isa lang ako kanina sa ComLab kaya wala akong napagtanungan.

Mas mabuti ng mag-isa kesa naman yung may kasama ka nga pera iiwanan ka rin naman. Boom, walang poreber.

Tumingin ako sa mga katabi ko sa pag-asang makakahingi ako ng papel pero pagka-lingon na pagka-lingon ko pa lamang ay nagsalita na agad ito ng.. "Nope."

Tss.

Wala akong nagawa kundi umalis, bumaba ng building at bumalik sa classroom.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang may narinig akong humihikbi. Dahan-dahan ang pagpihit ko sa doorknob at sumilip muna ako sa siwang na ginawa ko.

Zyron? Bakit siya umiiyak?

Di ko na namalayan ang kusang paghakbang ng mga paa ko papunta sa direksyon niya.

Iniangat niya ang ulo niya at nakita ko ang patuloy na pagluha niya. "A-anong--" Di ko na siya pinatapos at binigay ko na ang panyo ko.

Tumungo na lang siya at kinuha ang panyong binigay ko.

"Tara na."

_____



Nakatayo ako malapit sa bintana habang nagiisip ng malalim. Naudlot nga lang ito ng may narinig akong hagikgikan.

Lumingon ako at nakita si Yuri at Minzy na nagtatawanan. Pati si Andre nakikitawa na rin.

Napakunot na lang ako ng noo at binalik ang tingin sa bintana habang iniisip ang mga nangyari kahapon.

—flashback—

"Tara na?" wika ko kay Zyron. Inabot ko rin ang kamay ko para maayos siyang makatayo.

"S-sige." kinuha niya ang mga gamit niya at sabay na kaming naglakad palabas.

Di ko na rin tinanong kung ano ang dahil an kung bakit siya umiiyak mukha malalim ang pinaghuhugotan niya.

Nasa tapat na kami ng pinto ng room ng noon ko lang naalala ang dahil an kung bakit ako bumalik sa room.

Si Zyron.. joke.

Yung papel ko!! Shit naman.

"Uh, Zyron pwede bang humingi ng papel?"

"Anong papel?" bored ang tono niya nang sinabi niya yun.

Papel sa buhay mo yiiiiiieeeeh.

"One whole."

One whole relationship with you.

Hays.

"Eto oh." Inabot ko na lang mga papel na binigay niya.

Huh? "Bakit tatlo?" takhang tanong ko.

Para I love you ganon?

"Para I hate you." sabi niya sabay irap at pasok sa ComLab.

Lah?

—end—

Di ko na namalayan na nakangiti pala ako habang inaalala ang mga yon.

Hate pala ah. Tingnan lang natin.

"Luh, ba't ngumingiti mag-isa yon HAHAHAHAHA."

Napailing na lang ako.




----








di tatalab eang gay repellant niyue. zyron por da win.

may part two 'to. ewan ko lang kung kelan.

- hestia

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now