Tagu-taguan

46 8 3
                                    

-Lhander-

Gusto ko nang umuwi.

Kelan pa ba uwian.

Kakapasok ko palang. diba ang galing ko kakapasok ko palang gusto ko nang umuwi.

Ngayon ay tinatapos ko yung assignment ko na di ko pa natapos kagabi. O talaga hindi ginawa kagabi.

Habang nagsusulat ako ay biglang may pumalo sa ulo ko. Sa sobrang lakas ay nabitawan ko ang panulat ko na bolpen.

Tinignan ko kung sino ito. Nakita ko ang lalaking malawak ang ngiti. Sa sobrang puti nito magkakulay na sila ng itlog.

"Hi Lhander" sabi ni Raffy sakin.

"Uso kalabit" sabi ko sabay yuko para hanapin ang nawalang bolpen ko. Sana all kapag nawala, hahanapin.

Nakita ko ito sa may gilid ng box ni Wewin. Pero sagilid nito ay may katabi itong signpen.

Yung signpen na yun ay mahal. Kaya kinuha ko ito.

Tinuloy ko ulit ang pagsusulat ko. Nilagay ko muna sa gilid ko ang nakuha ko kanina.

Nagulat nalang ako nang biglang may lumipad na notebook sa gilid ko.

Tumingin ako sa likod at muntik na ako tamaan ng crumpled paper sa pinakamamahal ko na mukha. Lol.

Nakita ko ang nakajacket na babae na naghahalungkat ng kanyang box.

"Bakit wala dito?!" sabi nito

"Ano ba yun Rhea?" tanong ni Raffy na katabi niya.

"Yung signpen na hiniram ko sa tatay ko nawawala!"

Signpen? Tinignan ko ang nakuha ko kanina. Kinuha ko ito at itinaas.

"Sayo ba to" tanong ko.

Napaharap siya at lumapit agad sakin. Sakanya nga to.

Nang kukuhanin na niya ay inilayo ko ito.

Ang kalmado na niyang mukha ay nainis.

"Bakit ayaw mo ibigay?" tanong niya.

"Finders keepers" sabi ko sa kanya.

"Kahit na akin yan"

"Diba sabi mo sa tatay mo to?"

"Oo nga atleast-"

"Nahanap ko eh kaya akin na to"

"Akin na!"

Pinilit niya habulin ang kamay ko hanggang mahawakan niya ito.

Pero syempre hindi ko binitawan.

Bakit mo bibitawan ang mga bagay na importante sayo?

"Akin na" sabi nito ng kalmado pero alam ko sa isip niya na gusto na niya akong patayin.

"Ayoko" sabi ko nang nakangiti.

"Akin na"

"Akin ka"

"Nani?"

Nagulat nalang ako nang bigla niyang binaon yung kuko niya sa braso ko.

Nabitawan ko ito at nasapo niya.

Sana pag binitawan, may sasapo.

Pero hindi naman bibitaw pag hindi nasaktan diba?

Nagdidiwang pa yata siya sa pagkapanalo niya kaya tinuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Dalton ChroniclesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang