Hawak Kamay

83 8 4
                                    

-Kebe-

Nandito ako ngayon sa room at walang magawa.

Nagprapraktis kasi ng sayaw sa MAPEH. Wala pa naman yung part ko kasi nasa simula palang yung praktis.

Kasi naman ang bagal ng mga to eh. Mas lalo na yung gumagawa ng steps di man lang sinasabi yung gagawin ko.

"Yung may mga partner! Sunod na kayo kaya maghanda na"

Tinignan ko ang limang babae at lalaki na katabi ang kanilang partner.

Sila Shannie at Aedry

Sila Cessa at Rence

Sila Rhea at Lhander

Sila Lordessa at Prino

Sila Fritia at Cris

Sila at walang tayo

Pinapamukha nila sakin na wala na kaming pag-asa ng bebe ko. Mga inutil.

Kasi pinapahalata ko na sa kanya na may nararamdaman rin ako pero wala parin. Siya parin gusto niya.

Tinignan ko ang dalawang lalaki na nagtatawanan sa may gilid. Grabe saya nila nang wala ako ah. Mga taksil.

Tanggapin mo na, may mahal na siyang iba kaya mag move-on ka na. Wag mo nang ipagsiksikan ang saili mo, masasaktan ka lang. Mayroong sila at walang kayo.

The hurt is truth. Teka ano?

Nakaayos na ang magpapartner. Nasa likod nila ako, gusto kong panoorin sila. Bawal naman kasi magML sa room, makukuha cellphone with sabay sermon. Magpakabait nalang tayo mga pre.

Malapit na ang part nila.

Gusto kong makisabay kahit wala dito yung gusto kong partner.

Baka nandito yung imaginary friend ng Solar Boys na si Chan.

Siya nalang partner ko.

"Ito na guys, and 5 6 7 8"

Pagkatapos sabihin ni Aedry iyon ay naghawak na ang mga kamay ng magpartner. Kala ko di pa maghahawak ng kamay sila Prino at Lordessa. Pareng Prino, hindi tayo aasenso pagtorpe ka.

Pero kasabay rin non ay may humawak sa kaliwang kamay ko. Tinaas niya ito at hinila nya ako paabante. Nang tinignan ko kung sino ito.

Siya lang naman yung pinagseselos ako kanina.

"Bitawan mo nga ako nagmumukha akong bading dahil sayo" sabi ko

"Atleast dahil sakin" pigilan nyo ko, papakasalan ko to. Charot.

Nakisakay nalang ako sa trip ng lalaking to at nakisabay sa mga sumasayaw.

Habang ginagawa namin yon ay naririnig ko ang mga kaklase namin na sumisigaw at alam kong tungkol samin yung sinasabi.

"Halaaaa, kinikilig ako dun sa dalawang nasa likod" -Stella

"Oo nga eh, isali nyo nga yan dyan!" -Yuri

"My KebeLen heartttttt" -Minmin

Kapag ganyan ang lalakas ng boses pero kapag sa recitation parang tinanggalan ng dila. Ang cool deba?

Natapos na yung praktis nila at galit parin ako sa kanya.

Bestfriend nya ako. Di mashaket. Choss. Tapos lagi nalang kasama si Wewin? Bad yon.

Kahit hindi nya ako girlfriend o boyfriend atleast bestfriend nya ako. Bestfriend zone lang aruy.

Bestfriend nya ako tapos bigla bigla nalang siyang sasama sa iba? Mas masakit pa sa break-up nyo yan kahit walang kayo eh.

"Uy, galit ka ba?" tanong nito sakin

"Hinde, halata ba?" sagot ko na emotionless ang mukha.

Sino bang di magagalit kung ipagpapalit ka sa iba?

"Sorry na, di ko na gagawin ulit." pagmamakaawa niya sakin

"Tigilan moko Lenlen, kahit kelan di kita mapapatawad" sabi ko

"Kahit libre kita?"

"Libre lang naman pala- Teka ano? Libre?"

At dahil sa sinabi niya, pinatawad ko na siya.

---

Moral Lesson

Pag galit ang isang tao, try mong ilibre baka di na magalit

***

Natandaan ko lang kanina nung nakita ko sila nung MAPEH haha. Tsaka dito muna ako marami akong naiisip na oneshots kahit la akong isip. Ngaleng noh?

-athena

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now