Movie Booth

42 7 1
                                    

-Rain-

"Victory"

Naka full volume ako kaya narinig sa buong classroom iyon.

Kanina pa kami naglalaro ng ML dito.

Intrams naman eh.

Tinignan ko ang lalaking katabi ko na hanggang tenga ang ngiti habang nakatingin sa cellphone niya.

Okay lang yan, mahal padin kita.

Sisilipin ko sana kung ano iyon pero naramdaman yata ako kaya pinatay niya yung cellphone.

Sayang.

"Bakit? May kailangan ka?" tanong nito.

Oo, ikaw.

"Wala, napansin ko lang parang ang saya-saya mo. Pakishare naman kung bakit hehe" sabi ko.

Tinitigan lang niya ako ng ilang segundo.

Takte ang weird niya.

"Bakit? Sa tingin mo pinagtataksilan kita?"

"Tigilan mo nga ako Lhander! Nahawa ka na ba kela Kebe at Lenlen ha?!"

Alam naman niya na lalaki kami pareho.

"Baliw ka na ba? Gusto mo bang padala kita sa mental?" sabi ko.

"Wag sa mental, sa puso mo nalang tutal baliw naman ako. Baliw na baliw sayo" What the heck?

"Nagagalit na ako Lhander ah. 1v1 nalang oH" sabi ko sa kanya.

"Ayoko" sabi niya.

"I'll be gentle"

---

"Kala ko ba ' I'll be gentle' pero masyado mo namang sineseryoso?!" sabi niya habang dinudurog ko siya sa laro namin.

Kanina pa kami pero ni isa wala pa siyang panalo.

"Syempre, mahal kita kaya seseryosohin kita"

"Ano?"

Narinig niya shete.

"Sabi ko sadyang mahina ka lang" palusot ko.

"Ah ganon-"

"Alis na tayo Lhander"

Lumingon ako sa taong nagsalita.

Nakita ko si Carl na nasa pintuan. Tumayo naman si Lhander pero pinigilan ko ito.

"Matapos yung pinagsamahan natin iiwan mo nalang ako basta-basta?"

"Iwwwwwwww" sabi naman ni liit.

Sinubukan ni Lhander na tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak ng mahigpit sa kanya.

At natanggal niya.

Tinignan ko sila habang naglalakad palayo na magkaakbay pa si Lhander sa kanya.

Hmph.

Wala akong choice kundi sundan sila.

Nakita ko na pumunta sila dun sa movie booth. Lumapit ako onti. Buti nalang maraming tao dun sa gawi na iyon.

Nagtago ako sa napakaraming taong iyon. Rinig ko doon yung pinag-uusapan nila.

"Pabili po ng ticket, isa"

Boses ni Carl iyon.

"Akin dalawa"

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now