Anime pt. 4

43 5 10
                                    

-Andre-

Tumakbo agad ako sa kuwarto nila Minzy, Rhea at Stella.

Kasalanan ko to eh! Kung di ko lang ginawa yun.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang nakahigang imahe ng isang babae.

Nilapitan ko ito at sinalat. Mainit nga siya.

Mahimbing ang tulog nito kaya di niya yata nararamdaman ang pagdating ko.

Nakarinig ako ng mga yapak at nang lumingon ako ay nakita ko ang silang apat na may bahid ng pag-aalala ang mukha.

"Stella...." lumapit si Minzy sa kanya at sinalat ito.

Natanaw ko naman si kinatatayuan ko sila Cessa, Rhea at Lhander na may pinag-uusapan yata.

Kailangan makabawi ako.

---

-Stella-

Ang ganda ng mga bulaklak dito. Puro purple silang lahat.

Ako lang mag-isa na nandito sa hardin. Nasaan kaya yung mga kasama ko.

Malawak ito kaya baka hindi ko lang nakikita sila. Pagkakatanda ko di naman ako nakikipagtagu-taguan ah.

Naglakad ako pero pakiramdam ko hindi ako umaalis sa pwesto ko.

Habang papalayo ako ay parang mas lalong lumalawak ang lugar. Yung feeling na parang paikotikot ka lang. Paikot-ikot lang mundo mo sa kanya.

Maya-maya ay umupo nalang ako.

Wala yatang katapusan to. Walang katapusan pagmamahal ko sayo.

Pero seryoso, hindi parin ako makaalis. Nakakainis na.

Paano pag may fairy na nililigaw ako para di ako makaalis.? Tapos may parang tatawag sakin tapos may makikita akong rosas na maganda? Tapos hahawakan ko yun then matutusok ako ng tinik? Tapos baka makatulog ako for a thousand years?! Oh no!

Tumayo agad ako at tumakbo ako ng pinakamabilis ko. Hindi ako hihinto hanggang di ako makaalis dito. Ayokong matulad kay Sleeping Beauty! I'm not born for this kind of situation!

Tuloy-tuloy lang ang pagtakbo ko nang may narinig akong umiiyak.

"Mommy...."

Hinanap ko kung saan ito nanggagaling at nagulat ako sa aking nakita...

Ang batang to...

Hindi maaari...

"Andre?!"

Nagulat ito at humarap sakin.

si Andre ang nasa harap ko pero ang Andre na ito ay mula sa ibang panahon. Base sa itsura nito ay nasa 7 years old lang ito. Anong nangyayari?!

"Ate, sino ka... Nakita mo po ba... Ang mommy ko....? tanong niya habang humihikbi.

"Ah... Ano... Naliligaw ka rin ba?" tanong ko.

"Nagulat na lang po ako at nandito na ako. Hindi naman po dapat nandito ako. Gusto ko na makita mammy ko" sabay iyak.

Pinatahan ko ito pero tuloy-tuloy parin ito. Ganto ba kahirap alagaan to?

Pinikit ko ang mata ko, huminga ako ng malalim. Sana makaalis na kami dito.

Minulat ko ang mga mata ko at bigla nalang napunta ako sa.... isang bus stop.

Nawala na sa tabi ko ang kasama ko. Weird.

Pero ang bus stop na iyon ay pamilyar. Ito yung bus stop na malapit sa rest house.

May natanaw ako na naglalakad kaya nagtago ako sa may likod ng puno, kung saan tanaw ang iyon.

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now