Selfie

81 3 8
                                    

-Fritia-

"Oy! Enge ako niyan!"

"Papasa ng Pringles dito sa likod!"

"Peram ng powerbank!"

"Pakiabot nga nung tubig."

Pauwi na kami dahil kakagaling lang namin sa Enchanted Kingdom. Field trip kasi namin ngayon at napagod ang lahat sa pagpipicture at pagsakay sa mga rides.

Katabi ko si Cessa na nakatingin sa bintana at ako naman ay nagcecellphone.

Yung iba naman ay may sariling buhay din. May kumakain, nanonood ng TV na nasa harapan ng bus, may naglalaro at karamihan ay natutulog.

"Hi Ahron!"

Napalingon ako at nakita ko si Rhea na kinakawayan ang taong nasa harapan ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Kinakawayan si Ahron. Duhhh" sagot nito.

Pero hindi naman sumagot si Ahron.

Sinilip ko ito at nakita ko na nakapikit ang dalawang mata nito. Mahimbing na natutulog ito sa tabi ni Jules na nagchacharge ng kanyang cellphone.

Hindi ko naman talaga sure na tulog na siya kaya para sure ay...

... Pinindot ko yung pisngi niya.

Ang lambot ng pisngi. Parang marshmallows. Lol.

Pero bigla nalang itong gumalaw. Nagising ko yata.

"Anong.... meron...?" tanong nito samin.

"Walaaaa" sagot ko.

Pagkasabi ko non ay bumalik na ito sa kanyang mahimbing na tulog.

Lumingon naman ako sa katabi ko at natutulog na ito. Yakap-yakap ang kanyang bag.

Tumingin naman ako sa likod. Halos lahat don tulog na.

Wala naman akong magawa. Bawal tumayo kapag gumagalaw yung bus.

Boring...

Sana may maisip ako na gawin---

--- o kalokohan.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera. Tumingin muna ako sa paligid kung may nakakakita.

Lumapit ako kay Ahron na natutulog at nagpicture kami.

Syempre di niya alam. Tulog siya eh.

"Yieeee~ Ahron pala ah"

Lumingon ako at nakita si Cessa na nakangisi.

Kinuha niya sakin yung cellphone ko at hinanap yung picture.

"Akin na yan" agaw ko sa kanya.

"Ayakooo" sabi nito habang may ginagawa sa cellphone ko.

Nang maagaw ko na iyon ay nakita kong sinend niya ito sa GC.

"Cessa! Bakit mo ginawa to?!" sabay kurot sa kanya.

"Opx napindotttt" sabi niya sakin.

Hangals
Active Now

9:06pm

Fritia
Send a photo

Minzy
Oy, Fritia ah
taksil

Yuri
Uncrush ka na
sakin.

Stella
Ayieee. Ahron.

Fritia
Si Cessa nagsend non
ehhhh.

Cessa
Talaga ba?

Fritia
Kasi namn ehhh!


Kaya ang moral lesson ngayon ay wag nang makipagselfie sa tulog. Lalo na kung si Cessa ang katabi mo.

------------------------------------------------------

reference:

reference:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now