Volleyball

38 5 1
                                    

-Aedry-

"Samahan mo na kasi ako!" naiinis ako sa pumipilit sakin ngayon na manood dun sa may court.

Napakaraming tao dito sa mundo, ako pa yung napiling bwisitin nito.

Pwede naman isama ni Rence si Rhea. Tutal hindi na mapaghiwalay yung dalawang yun.

"Oo na! Sasama na ako!" sabay tayo sa kinauupuan ko.

Malapit na kasing mag-intrams kaya marami nang try-outs.

Hinila na ako ni Rence papunta dun sa malapit sa stage. Nakakatamad naman kasing umalis tapos may aasikasuhin pa ako sa sayaw.

Atleast maswerte kami, may intrams kami hindi tulad sa mga nagtratraining sa PressCon, hindi pwede umalis.

Sayang, plano ko pa naman i-marriage booth si Cessa at Rence.

Nang nakarating na kami doon ay maraming nang tao.

Halos lahat doon ay magtrytry-outs.

Grabe naman ang dami. Buti di ako sumali, pinagbigyan ko na sila kawawa naman.

Nakaupo kami sa may gilid ng mga nagvovoleyball.

Manghang-mangha ang kasama ko sa nakikita niya.

Nasa kabilang gilid, sa may left side naman namin ang mga nagbabasketball.

Maya-maya ay nagsimula na silang maglaro

Simula palang peroang gagaling yung mga nasa red team ah. Pero balewala ang galing nila dahil nagugutom na ako. Pakitawag si Andre. Charot, silent 'c'.

"Bili muna ako ng pagkain" sabi ko kay Rence na abala sa panonood.

Pero patayo palang ako nang biglang may tumamang bola sa ulo ko.

Sa sobrang lakas ay muntik na ako himatayin.

Nagulat lahat ng mga tao na nakapaligid sa amin.

"Ang lakas non ah"

"Huy, buhay pa ba siya?"

"Araype"

Hinawakan ni Rence ang likod ko.

Ang sakit non ah!

"Pasensya na! Hindi ko sinasadya!"

Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko. Hindi ko masyadong maaninag dahil masyadong maliwanag. Hala! Tinatawag na ba ako ng langit?!

"Tinatawag na ba ako ng mga anghel?" tanong ko

"Hindi pa pero kung gusto mo padala na kita don" sabi ni Rence sakin.

Blurred parin ang nakikita ko nang maya-maya ay unting-unting lumilinaw ang mga mata ko.

Nagsisimula ko nang makita ang lalaking kanina pa na nagsosorry sakin

May matangos na ilong, magandang mata, maputing balat, maayos na pangangatawan.

Putek, ang pogi.

"Okay ka na ba?" tanong niya sakin

Ito na ang tamang oras.

"Hindi! Hindi ako okay! Ang lakas kaya! Di kasi kayo nag-iingat yan tuloy tinamaan ako"

Nagulat ito sa tono ng pagsasalita ko.

"Pasensya na talaga, saan ka ba tinamaan?" nag-aalalang tanong sakin.

"Alam mo ba kung saan?!"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Edi sayo"


***

Nakita ko lang na naka draft kaya tinuloy ko na.

Atleast ako binabalikan ko yung iniiwan ko eh siya? Hinde

-athena

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now