Horror Booth

49 4 5
                                    

-Stella-

"Why it so mainet? Maygad"

"Ang ingay mo Yuri, di lalamig pag nagsalita"

"Oo na, Fritia gets namin"

Ang ingay ng dalawang nasa likod ko. Nasa pila kasi kami sa horror booth. Nahila lang ako dito dapat nasa room lang ako.

Kasama ko sila Fritia, Yuri, Zyron at Minzy.

Wala pa dito yung anim na laging humuhugot.

Kaya kinuha ko muna ang tablet ko at pipindutin ko na sana ang Facebook app nang matandaan ko na wala akong data.

Kinalabit ko si Minzy na busy mag ML.

"Minmin, pa hotspot"

Binuksan niya ang hotspot niya at nakakonek agad ako.

Buti nandito ang PLDT ng room. Hehe.

"Ipapablindate talaga kita Maeya!"

"Edi itry mo!"

"Wag na blind date, marriage booth agad wala nang paligoy-ligoy pa!"

"Nako po, tago-tago na"

"Ang cute ko"

"Walang nagtatanong"

Ngayon ay naririnig ko na ang anim na hinihintay namin.

Lumingon ako at nakita ko ang mga naglalakad na sina Lordessa, Maeya, Rence, Rhea, Kilver at Shannie.

Tinaas ko ang kamay ko para makita nila kami. Ang liit kasi namin baka di kami makita.

Biglang tumakbo agad sa direksyon namin si Rhea, sumunod naman ang mga kasama nito.

Marami-rami na ang tao doon. Siguro na curious rin sa pinaghandaan ng mga nasa horror booth.

Kasama nila doon si Cessa kaya wala siya dito.

"Bumili na kayo ng ticket?" tanong agad ni Rhea samin.

"Hindi pa eh, di pa sila nagbebenta" sagot ko.

"Oh... Okay.. Sige.." sagot nito na may tono.

Ano ibig sabihin niya don?

"Sige, wait lang bibili lang ako ng tubig" sabi nito at tumakbo.

Ang tagal naman nila. Bakit ayaw pa nila magbenta ng ticket?

Maya-maya lang ay dumating si Lore. Sabi niya sasama daw siya samin.

"Nakita mo si Rhea?" tanong ni Minzy kay Lore

"Bakit sakin mo tinatanong? Asawa ko ba yon?" sagot nito.

Biglang umirap si Minzy, dahilan para kurutin ni Lore ito.

"Ayan na pala eh!"

Lumingon ako at ayun na nga si Rhea.

Pero may kasama siya na tatlong lalaki.

Sila Prino, Lhander at Andre.

Malalawak ang ngiti nila. Nang makita ni Minzy sila, napangiti rin ito.

"Bumili na tayo ng ticket!" sigaw ni Rhea.

"Bili na tayo nanai" lumapit ito kay Rhea at hinatak papalapit sa may nagtitinda doon.

"Itigil nyo yan!"

Lumingon kaming lahat at nakita ang isang lalaki na nakapamewang.

"Bakit nandito to?" bulong ni Minzy na nasa gilid ko.

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now