Invisible

46 6 6
                                    

-Stella-

Nandito ako ngayon sa room. Kakatapos palang ng unang subject namin.

Tuwing library hour ay inaaya ko muna sila Minzy, Yuri, Cessa, Fritia at Zyron na pumunta sa cafeteria. At yun ang gagawin ko ngayon.

Pinatawag sila Fritia, Zyron at Cessa ni Mrs. Del Pilar, ang aming English teacher kaya ang maaaya ko lang ay sila Minzy at Yuri.

Rinig sa pwesto ko ang malalakas na tawa nila. Ramdam na ramdam mula dito ang pagiging masaya nila.

Kausap kasi nila sila Aedry at Andre tungkol sa ML yata.

Tatayo na sana ako para ayain sila nang bigla silang tumayo at lumabas ng room.

Nalungkot ako nang bahagya pero inisip ko nalang na mas maganda ang mga mangyayari mamaya. Ayokong sirain ang na araw na ito dahil lang doon.

Lumabas ako ng room at pumunta sa cafeteria ng mag-isa

---

Break nanaman at ayoko nang lumabas. Muntik na ako matamaan ng bola kanina buti nalang nakailag ako.

Buti nalang at may baon ako na lunch kaya dun nalang ako sa room kumain.

Habang nasa upuan ako ay pinagmamasdan ko sila Rence, Rhea, Lordessa, Prino, Shannie, Maeya, Kilver, Denden, Maria at Lore na nasa harap na naka form ng circle.

May pinag-uusapan sila pero hindi masyadong rinig dito.

Lumapit ako sa kanila pero naramdaman yata ako ni Lore na papapunta kaya hindi natuloy yung sinasabi niya.

"Oh...Stella...Bakit ka nandito?" tanong nito.

"Ano pinag-uusapan ninyo?" tanong ko.

Naging tahimik ang kuwarto nang biglang nagsalita si Rence.

"Ano kasi.. Secret lang namin yun eh" sabi nito.

Pero hindi agad ako naniniwala agad sa sinasabi nila.

"Anong secret?" tanong ko.

"Secret nga diba?"sagot ni Kilver sakin.

"Please..." pilit ko.

Tumayo si Lordessa sa kinauupuan niya at lumapit sakin at bumulong.

"Yung sa Teachers Day kasi iyon. Bawal sabihin baka kasi malaman ng mga teachers, edi wala na yung secret diba?" paliwanag niya.

"Ah ganon? Edi pwede ba akong sumali?" tanong ko.

"Ah.... Kasi... Eh.... Hehe...." hindi na makasagot sakin si Lordessa.

"Sorry pero para lang kasi sa group namin yun eh.." sabay ngiti ni Rhea sakin.

Wala naman akong magagawa diba?

Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko. Ang boring naman wala akong makausap.

Yumuko ako sa may upuan ko.

Hihintayin ko nalang na dumating ang next subject teacher namin.

---

Wala ang teacher namin sa huling tatlong subject at pinayagan kami na lumabas pero dapat sa oras lang ng uwian namin kami uuwi.

Dahil gutom nanaman ako ay gusto kong lumabas at bumili ng makakain. Sakto kasi walang masyadong estudyante doon.

Hindi ko na inaya sila Minzy at Yuri na lumabas. Kinakausap pa nila sila Aedry, baka ireject nila nanaman ako.

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now