One Chew

153 6 6
                                    

-Andre-

Napatingin ako sa dumaang pusa sa gilid ko habang naglalakad ako sa pasilyo papuntang classroom namin. Nakakatamad talaga pumasok sa school.

Pumasok agad ako sa room ng makarating ako roon at dire-diretsong nagpunta sa aking silya. Ibinaba ko ang mga gamit na kanina ko pa iniinda, ba't ba kase ang daming alam ng mga teachers eh.

Nagtakha ako nang makita ko ang mga kaklase kong naku-kumpulan sa may sulok ng room. Para silang nagkakagulo na ewan.

Due to curiosity, I decided to walk towards their direction to see what they're doing. Napangiwi na lang ako ng napagtanto kong naglalaro lang pala sila.

Napansin ata ako ni Yuri. "Andre, sali ka?"

"Ano ba yang nilalaro niyo?"

"Malay ko kung ano tawag dito, pero salit-salitan ng sabihan ng kung ano tas pag nagawa mo na yung bagay na yon, maglo-lose ka ng points. Bale, 10 points ang meron ka sa start. May dare at kailangan sumagot sa tanong  ang matatalo."

Korni. "Sige, sali ako."

Sumali na ko sa bilog na ginawa nila at nakisali sa laro. Nakakainip lang kasi ang tagal ng turn ko dahil medyo marami kami.

Napatingin kami ng bumukas ang pinto, sinarado kasi namin kanina para walang makakita na naglalaro kami. Si Minzy lang pala yung pumasok, kala ko si ano na.

"Minminnnnn lateeee." sambit ni Shannie habang kinukuha ano notebook niya.

"Ha? 7:03 pa lang huyyy." katwiran niya agad.

"Tama si Minmin." sabat ni Rhea.

Napasimangot na lang si Shannie. "Nagjo-joke lang naman ako eh. Masyado kayong seryoso."

Napatawa na lang ang dalawa.

"Wag kang masyado sumimangot Shannie mas tumataba pisngi mo HAHAHAHA." kantyaw ni Rhea.

"Hoy, yung laro natin!" Mea said, masyado na nga kaming na-aliw at nakalimutan na namin ang laro.

Binaling ko na lang ang tingin sa bintana. Nakikita ko ang maiitim na ulap na tumatakip sa kalangitan. Paniguradong uulan na naman.

"Ginagawa niyo?" tanong ni Minzy at lumapit samin, tumabi siya kay Rhea.

"Naglalaro. Yung lose your point something." sagot ni Rhea sa kanya.

"Ahh. Sali ako."

"Geh."

Nagpatuloy lang ang paglalaro namin at sa kasamaang palad nga naman, natalo ako.

"Ako magbibigay ng dare!" sigaw agad ni Yuri habang nakangisi.

Hindi maganda ang kutob ko rito.

"Truth muna par." Isang nakakalokong tingin ang binaling sakin ni Minzy.

"Crush mo si Stella noh?"

"OMG ayiiiieeeehhhh."

"Guys, ito na. Malalaman na natin ang katotohanan."

"Wag na magdeny Andreeee."

"Andre, 'I do' na agad!"

What the frick.

Napailing na lang ako. Wala pa nga akong nasasabi pero kantyawan na agad sila?

Ngumisi ako. "Di ko siya crush."

"WhaaAaAaat?"

"Hala."

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now