Prologue

8.8K 75 0
                                    

"Nasan sila?" Tinanong ko siya habang tumitingin ako sa paligid.

"Uh...I think they left."

Mukha namang alam niya kung saan ang mga kaibigan namin, ayaw niya lang sabihin sa akin. I am disgusted. They clearly set me up to be alone with this guy.

"Savannah...ano kasi..." Kinilabutan ako sa pagsambit niya ng pangalan ko. Rarely do I hear people calling me by my first name. Naiirita ako, he doesn't have the right to call me that.

"Trevor, nasaan nga sila?" Naging mas obvious sa boses ko na naiirita ako. Alam ko na ang gagawin niya and I don't like it. 

"Savannah, makinig ka muna kasi, please?" Mahinahon niyang sinabi. Lumapit siya sa akin, nakikiusap ang kanyang mga mata. Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko, siguradong kinikilig na sila. Umatras ako dahil nasusuka ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko, "Ano ba yun? Dali, sabihin mo na!" Hininaan ko ang boses ko dahil sa mga taong napapadaan kahit na gusto ko nang sumabog.

"Savannah, I've been wanting to tell you this for the longest time," Huminga siya ng malalim, "I...I like you." 

"That's cute, Trevor pero hindi kita gusto." Sinabi ko sa kanya ng diretso. "Nasaan na ba kasi sila?" I walked past him without looking back. Iniwan ko lang siya doon.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now