Chapter 29 - Pasta

1.9K 34 2
                                    

Me: Sabay tayo umuwi :) 

Nagtext ako kay Trevor. Lunchtime ako nagtext para may time siyang magcheck sa phone niya.

Trevor: di ako pwede today. overtime ako.

Me: Hindi ako nagpapaalam sayo. Sabay tayo uuwi :)

Trevor: di nga pwede. may lakad pa ako after work. hindi ako makakasabay

Me: OKAY :)

Tinuruan ako ni Angel kung paano magpakipot pero mas magagamit ko pa siguro ngayon ang mga payo ni Jake at Gab kung paano suyuin ang isang tao.

Nag-oovertime ako sa araw na ito. Wala naman akong masyadong projects but I took all the time I need. Gusto kong ako nalang ang maiwan sa aming team.

6:30PM na. Tumayo na si Beatrice sa desk niya at lumapit kay Trevor. "Trev, hindi ka pa ba uuwi? Sabay na tayo." Sabi niya.

"I can't. May natira pa sa team." Mahinahong sinabi ni Trevor. Mukhang pagod siya. 

Tumingin si Beatrice sa aking direksyon, "Savannah, hindi ka pa ba tapos dyan?" Tanong niya.

"Malapit na 'to, just give me an hour." Sagot ko.

"An hour?!" Napalakas ang pagkasabi niya.

"Yep, an hour. Isang oras." Inulit ko.

"Tsk," Tumingin ulit si Beatrice kay Trevor, "Trev, I can't wait that long. Mauna na ako." Umalis na si Beatrice at kami nalang ni Trevor ang naiwan.

Tumayo na ako, "Tapos na ako, Trev." Sabi ko sa kanya, "Ano, uwi na tayo?"

Hindi siya sumagot. Agad niyang pinatay ang kanyang computer at nagligpit ng mga gamit. Tumayo siya at dumiretso sa elevator. Hinabol ko siya.

"May lakad ka? Kain muna tayo." Aya ko. Hindi parin ako pinapansin. Sumakay na kami ng elevator.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kanya. Wala paring sagot hanggang sa nakalabas na kami ng elevator. Sumunod ako sa kanya sa bus stop. 

"Sa condo ka kakain?" Tanong ko. Diretso siyang sumakay sa bus pagdating nito. Sa harap sana siya sasakay para hindi ako makatabi sa kanya, pero may nakaupo na sa harapan. Wala siyang choice pero umupo sa likod. Tumabi siya sa may nakaupo na matanda. Umupo nalang ako sa kabila.

"Gutom ka na ba?" Hindi parin ako tumigil. Nagsuot siya ng earphones at pinikit ang kanyang mata. Napatingin tuloy sa akin ang matandang katabi niya. Hindi ko na siya inabala hanggang sa dumating na kami sa condo building. 

Mabilis siyang bumaba at tumakbo sa pedestrian lane. Hindi ko naabutan ang red light. Naunahan na niya ako. Mabilis siyang nakapasok sa condo building habang ako naman ay nasa sidewalk pa. 

Me: May ulam ka ba dyan? I'm cooking dinner, I'll cook some for you too.

Tinext ko si Trevor nang nakarating na ako sa unit ko. Dali-dali akong naghanda sa kusina. What's the quickest dish I can cook tonight? Okay na siguro ang pasta. Chineck ko ang phone ko occasionally just in case he replied, pero wala.

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 16th floor. Dala ko ang pasta na linuto ko para sa kanya. I still remember his condo unit number—1602.

Huminga ako ng malalim bago kumatok. Bumukas ang pinto. 

"Hi, I cooked you some pasta." Sabi ko sa kanya. Nakabagsak na ang kanyang buhok at ang gulo na nito. 

"How the hell did you know which unit I live?" Sabi niya. Am I supposed to answer that?

"Kumain ka na?" Tanong ko.

"Umuwi ka na, tapos na akong kumain." Sabi niya at sinarado ang pinto. Kumatok ulit ako. Binuksan niya ulit.

"Ano?" Tanong niya. Tinulak ko ang pintuan at dumiretso sa loob. 

"Hey, teka lang!" Sinubukan niya akong harangan pero hindi niya ako napigilan. Dumiretso ako sa kusina at inilapag ang pasta sa kitchen counter. Lumapit siya sa akin pagkatapos masarado ang pinto. Wala siyang choice kundi pansinin ako.

"Hindi ka pa naghapunan, noh?" Hula ko.

"Savannah—"

"Okay, I guess that's a 'yes'." Sabi ko, "Can you get me a plate? Ililipat ko lang ang pasta para makakain ka na."

Hindi siya kumilos, nakatingin lang siya sa akin.

"Ano, tutunganga lang ba tayo dito? Bilis! Hindi ka pa ba gutom?" Sabi ko. Kumilos na siya sa wakas at kumuha ng plato. Inilipat ko kaagad ang pagkain sa plato.

"Okay, kumain ka na." Inusog ko ang pasta sa harap niya.

He sighed. "Will you leave kung kakain na ako?" Tanong niya.

"I will leave kapag naubos mo na 'yan." Sagot ko.

Wala siyang ganang kinuha ang tinidor at nagsubo ng pasta. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano bang kailangan mo?" Tanong niya habang kumain.

"Hindi ko lang gustong magutom ka."

"Oh come on, stop beating around the bush. Diretsuhin mo na kasi ako." Sabi niya.

"Okay, fine." Tumingin siya sa akin bago ako nagsalita, "Gusto kitang ligawan."

Muntik na siyang mabulanan sa narinig niya, "You what?"

"Opps, sorry. I should've said that after you finished eating." Inasar ko siya sa aking ngiti.

Uminom siya ng tubig at tumigil sa pag kain, "You say that so carelessly, alam mo ba ang sinasabi mo?" Napalakas ang kanyang boses.

May mali ba sa sinabi ko? Oh baka pagod na siya sa akin kaya kahit anong sabihin ko, ma-ooffend siya. 

"Ano, liligawan mo ako? For what? May gusto ka ba sakin?" Dagdag niya.

"Oo, may gusto ako sa'yo."

"Oh come on, I don't buy that shit!" Tinalikuran niya ako at naglakad palayo, "Ayoko nang maniwala sa'yo. One day you'd be kissing me and the next day you'd be telling me that you don't fall in love and be stuck in relationships. Ano sa tingin mo ang mararamdam ko?"

"I'm sorry, okay? Nalilito lang ako nun."

"So ano? Ngayon, narealize mo na agad na gusto mo ko? And then what, babawiin mo na naman bukas?"

"Gusto kita, okay?" Napalakas ang boses ko, "Gusto kitang kasama palagi, gusto ko kapag naglalambing ka sakin, gusto kong palagi tayong magkasabay sa bus, gusto ko kapag hinahabol mo ako, gusto ko kapag sinusuyo mo ako, gustong gusto ko kung paano mo ako halikan. Nagseselos ako kapag kasama mo si Beatrice, nagseselos ako kapag tinutukso kayong dalawa. Nasasaktan ako kung hindi mo ako kinakausap, nasasaktan ako kapag hindi mo ako pinapansin."

Umiwas siya ng tingin. Ni-isang salita wala siyang sinabi. I poured my heart out tapos ganito lang? Walang kibuan? Masyado niya naman yata akong pinapahirapan.

"Ubusin mo ang pasta, I especially cooked it for you." Sabi ko habang pinipigilang maiyak.

"Sige Trev, mauna na ako." Umalis na rin ako at bumalik sa aking unit.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon